LAUREN and Finn had a great week. Maayos din ang kanyang trabaho sa opisina ni Kori. She’s working with Josiah via e-mail, ngunit may pagkakataon na kailangan niyang harapin ito. Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang dumating ang lalaking kasama ang assistant nito. Tulad ng una niyang impresyon, agaw-pansin ang pagpasok ng malaking bulto ng katawan nito sa kanilang opisina. Saglit niya lang itong binigyan ng pansin at ibinalik niya rin ang kanyang paningin sa kanyang laptop para ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Inaasikaso niya sa kasalukuyan ang bagong estratehiya para makakuha ng mas marami pang parokyano. She asked Kori’s designer sa listahan ng mga lumang disenyo ng mga ito na hindi masyadong bumebenta. Nakaisip na siya ng paraan para maibenta ang mga iyon nang hindi dadaan sa dis

