Jeremy POV
Mabilis akong tinulungan ni Jonas mula sa pagkakatilapon ko. Hinndi ko napaghandaan ang nangyari kaya palagay ko ay napuruhan ako doon. Pero Pilit kong hindi ininda ang sakit dahil si Arkie ang mas inaalala ko. Sa tagal ko nang kasama si Arkie ay hindi ko napansin na may iba sa kanya. Mas lubha akong kinabahan dahil nagdala ako ng Silver Elites.
Sa kagustohan kong protecthan si Arkie ay mas nilagay ko siya sa alanganin. Hindi ko ginusto ang pagdala ng mga Silver Elites sa condo pero sa mga natuklasan ko ay kailangan ko ding protektahan ang Freedom City. Responsibilidad koi yon bilang miembro ng angkan ng Kahalili.
Nakita kong tumakbo si Rigo sa Gaming Room kung saan tumakbo si Arkie. Agad naman itong lumabas.
“Drew, alam mo na ang gagawin mo. Susubukan kong sundan si Arkie.” Nalito ako sa sinabi niya pro mas nabigla ako nang biglang naglaho si Rigo.
Si Drew naman ay lumapit sa mga nakahandusay na mga Silver Elites. Isa-isa niyang hinawakan ang kanilang mga ulo. Natakot ako nab aka magising ang mga ito pero nawala ang mga ito at tanging naiwan ay si Drew.
“What was that?” Lito man ay nagawa pang naitanong iyon ni Alex.
“We’re fixing your mistake.” Seryosong sagot ni Drew. “Why do you Kahalili always choose to betrayed your friends?”
“What are you taking about?” Tanong ko habang pinipilit kong tumayo.
“Anung ginawa mo sa mga Silver Elites?” Si Jonas.
Pero hindi kumibo si Drew.
“Earl, wag ka na magtago. Fix everything so we can leave.” Sambit nito.
Mula naman sa kawalan ay lumitaw si Earl. Ang ikalawang miembro naming galing sa labas ng Freedom City.
“I told you mangyayari ito. Pero hindi ko enexpect na ganito kalala. Remind me not to piss a Manghahabi next time.” Mabilis nitong wika na para bang hindi nila kami nakikita.
Earl snaps his finger and suddenly all the mess disappear and things went back to its proper places.
“Let’s go.” Utos ni Drew.
“Anu ba yan, wala man lang bang guys this is Earl aka IamMageUser.”
“Do you think mahalaga pa ba iyon? Ipapahuli ka lang nila sa mga Silver Elites.” Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa sinabi ni Drew. Then I realised how selfish I am.
“Mga Almerdine din kayo?” Hindi makapaniwalang sigaw ni Alex.
“Dude, late reaction ka.” Tukso ni Earl.
Maya-maya pa ay naglaho na din ang dalawa. Naiwan kaming tatlong parang ewan. Ilang sandali pa ay pumasok namn ng condo si Kuya Gio.
“Jeremy, I receive a call that you called Silver Elites. Are you insane?” Gusto ko mang sa gutin si Kuya ay pakiramdam ko ay wala na ankong lakas para magsalita pa.
“What happen to you?” Mukhang napansin niya ang kalagayan ko.
Agad namang ikinwento ni Jonas ang nangyari mula sa simula hanggang sa pagdating niya. Tahimik lang naman na nakinig si Kuya hanggang sa matapos si Jonas.
“Magpahinga na lang muna kayo. Bukas na lang tayo mag-usap. Sa ngayon wala na din tayo magagawa. Nangyari na ang yan. Ayokong manisi.”
Tumayo nalang si kuya saka naglakad palabas ng condo. Kung anu ang ghagawin niya ay hindi ko alm dahil kung ako mismo ay hindi ko din alam ang gagawin ko. I feel lost at the moment.
*****
Arkie POV
Kung papaano ko na master ang kanina ko lang nagawang pahika ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nang abutin ko ang kamay ni Matt, ang inisip ko lang ay makalayo sa logar na iyon. Pagdilat ko nalang ay naririto na ako sa rooptop ng isang hindi naman kalumaang gusali kung saan ako tumira noong Senior High Student palang ako.
Buti pala at inilihim ko kay Jeremy na patuloy kong nirerentahan at pinapaayos ang lugar at ang maging ang apartment.
“Are you okay?” Rinig kong tanong ni Matt. Ramdam ko ang pag-aalala nito dahil kanil=na pa ako umiiyak. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.
Ano mang iyak ko ay hindi pa din maibsan ang bigat ng dibdib ko dahil sa ginawa ni Jeremy. Of all people pa ay siya pa talaga ang gagawa noon. Pilit kong pinapakalma ang kalooban ko pero hindi matanggal tanggal ang sakit sa loob. Kaya hinayaan ko na lang ang sariling umiyak ng umiyak.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Matt sa akin. “Iyak ka lang. Bukas magiging maayos ang lahat.” Aniya. At humagolgol na nga ako hanggang sa mapagod at lamunin ako ng antok.
Nang magising ako ay akap-akap ako ng puting wolf. Muntik pa akong mapasigaw dahil nawala sa isip kong si Matt pala ito. Hindi na kami nakapasok sa loob ng bahay dahil sa nagdrama pa ako. Agad naman ako bumangon at maning si Matt ay ganoon din.
“Finally, you’re awake.” Saka ko lang pansin si Rigo sa di kalayuan.
“Why are you here, Rigo?” I don’t want to be rude but I know the fact that his Jeremy’s friend first bago ako.
“FYI, hindi ko sinabi kay Jeremy kung nasaan ka. At isa pang FYI, kanina pa kita hinahanap.” Sagot nito. “Oh, bumili ako ng pagkain. Try mo din kayang buksan yang bahay mo. “ Inabot sa akin ang isang malaking plastic. Tamang-tama at naguguton na din ako. Pinatong ko na muna ang plastic bag sa maliit na mesa sa gilid at hinanap yung extra susi na nasa ilalim sa isa sa mga paso.
Nang makita ko ang susi ay binalingan ko si Rigo na ngayon ay parang may ginagawang ritwal na ewan.
“Hoy, ano yan?” Takang tanong ko.
“Protection para sa mga nagbabalak ng masama.” Mabilis niyang sagot. “Hindi lang ikaw ang may itinatago.”
“Almerdine ka din!” Gulat kong saad.
“Mananambit.” Pagtatama niya.
Tumango tango na lang ako. Naalala ko na may ibat-ibang mga angkan ng almerdine. Nagpatuloy nalang ako sa pagbukas ng pinta nang makapagpahinga na din kami ng maayos.
Buti na lang talaga ay malinis pa din ang bahay at may kutson, unan at kumot sa kwarto. Syempre, sabi ko nga iniisip ko naman na hindi habang buhay ay nasa poder ako ni Jeremy. Kaya inihanda ko talaga ang bahay na ito. Damit nga lang ang problema namin ngayon.
Nang maayos ko ang pagkaing dala ni Rigo ay kumain na kami sa labas. Maypapag kasi doon at makakagalaw ng maayos ang dalawa.
“Anung plano mo ngayon?” Biglang tanong ni Rigo. Tahimik lang naman si Matt.
“Bukas ko na lang iisipin.” Sagot ko. Masyado na akong pagod para magplano pa ng pwede kong gawin.”Saka pwede pa naman ako magstream pa din.”
“Kakasya bas a bahay nay an anng Emperor’s?”
“Nakakapaglaro naman ako ng kahit normal lang ang mga equipment na gagamitin. Basta kumpleto lang.” Saka ko lang naalala na kahit ang Gaming Phone ko ay hindi ko din dala at wala na akong balak na kunin . May pera naman ako kaya makakabili naman ako.
“Drew and Earl will be here mamaya.” Naalala kong ngayon ang dating ni Earl. Hindi ko tuloy naiwasang malungkot. Hindi kasi ganito ang gusto ko sa pagkikita namin.
“Wag mo na munang isipin ang nangyari. Earl will understand. At saka, hindi naman priority ang laro sa ngayon. Priority namin ngayon ay ang mapangalagaan ka.” Nabigla naman ako sa sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin?” Takang tanong ko.
“Isa kang Manghahabi. Ang kagaya mo ay mahalaga sa mga piling angkan ng Almerdine. Kung walang poprotekta sa iyo ay madali kang makukuha ng mga Bernardine. “ Naalala ko muli ang sinabi ng babae sa panaginip ko.
Ikinuwento ko sa kanya ang napag-usapan namin ng babae sa panaginip ko. Sa tingin ko kasi ay mas maiintindihan ko ang kalagayan ko kung may taong pamilyar na sa pinagdadaanan ko.
“Kung sinabi ng babae na kailangan mong pumunta sa dati ninyong bahay ay kailangan mo nga talaga. Sabihin mo lang sa akin para para matulungan kita.”
“Ang siste ba ay kayo lang dalawa?” Mabilis naman akong napalingonn sa nagsalita. Gumuhit ang ngiti nang makita ko si Earl kasama si Drew.
Kahit papaano sa kabila nang masakit na nangyari ay naibsan ito dahil may mga taong naiwan sa tabi ko. Sa tulong nilang apat ay kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya. Buti at talaga ngan makulit itong si Earl. Si Matt kasi ay tahimik lang siya at hindi sumasabay sa usapan. Hindi ko tuloy alam kung naa-out of place o sadyang tahimik lang talaga. Pero sumasagot naman siya sa tuwing tinatanong siya.
Dahil ng malalim na ang gabi ay nagsipasok na kami at nagpahinga. Himalang kumasya naman kaming lima dito sa kwarto sa kabila ng malalaking katawan nina Drew, Rigo at Matt.
*****
Lazarus POV
Naihampas ko ang lamesa nang marinig ang balitang binanggit ni Gio.
“Paano nangyari ito?” Tanong ko sa kanya.
“Ipagpaumanhin po ninyo, Senior, mukhang kasalanan kop o ang nangyari. May nabanggit po ako sa aking kapatid na nag-udyok sa kanya na gumawa ng hindi naman kailangang mga hakbang.” Paliwanag nito.
“Sabi ko na nga ba at mangyayari ito.” Sambit ng isang nilalang na nakasandal sa gilid.
“Huwag ka na magkumento jan. Bisita lang tayo dito at hayaan mo na sila sa problemang iyon.” Saway naman ng nilalang na nakaupo sa sofa.
Huminga ako ng malalim at kinuntrol ang sarili.
“Pag-usapan na lang natin ito bukas, Sa ngayon, ipahatid mo muna ang dalawa nating bisita sa kanilang tutuluyan.” Wala na din namang magagawa dahil nangyari na ang nangyari.
Sumunod naman si Gio sa sinabi ko at inaya ang dalawa na sumunod sa kanila. Sana lang ay walang gawing kalokohan ang mga ito habang naririto sila sa Freedom City. Dahil kung nagkataon ay wala akong pakealam kung anak sila nang kung sinong Poncio Pilato. Mananagot at mananagot sila.
Muli akong lumakad sa bintana. Inalala ko si Archimedes Reverente. Nasaulo ko na din sa wakas ang kanyang pangalan. Kahit papaano ay may isang parte ng pagkatao ko na nag-aalala sa maaaring mangyari sa kanya. Sino ba mag-aakalang isa pala siyang Almerdine.
Binalikan ko ang mga residence registration document na naka patong dito. Muli kong tinignan ko ang mga iyon.
Rodrigo Angeles: Registered Almerdine
Andrew Roa: Registered Almerdine
John Earl Cabarobias: Special Registration: Almerdine
Matvey Volkov: Special Regitration: Rayka
Archimedes Reverente: Human
Wala naman akong pakealam kung hindi siya naregister ng tama. Pwede kong sabihing misunderstanding lamang iyon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ngayon lang nagmaterialised ang kanyang kapangyarihan.
“Muling pagbati Senior Lazarus, Porlomolla ng Zarek na si Fabian. Vampirang pinuno ng buong Freedom City.” Narinig ko nanaman ang tinig sa aking isipan.
“Anung mapaglilingkod ko at nagawa ninyo akong gambalain sa ganitong oras ng gabi?” Tanong ko gamit din ng aking isipan.
“Nais naming malaman kung anong binabalak ninyong gawin kay Archimedes?” Nagulat ako dahil sa alam nila ang nangyayari.
“Sa ngayon ay gusto ko lamang siya makita. Gusto kong maunawaan ang nangyayari sa kanya.” Isipin ko man na masasaktan si Archimedes Reverente ay tila nakakaramdam ng kirot ang puso ko. Hindi ko na nga alam ang nangyayari sa akin.
“Nais ko lang sabihin, Senior Lazarus na si Archimedes ay inihabilin sa amin. Ano mang pagkilos na magdudulot ng ikakapahamak niya ay hindi namin papalagpasin.” Umangat ang gilid ng aking bibig.
“Isa ba itong pagbabanta?” Seryoso kong tanong? Sa lahat ng ayaw ko ay iyong pinagbabantaan ako.
“Hindi, Senior Lazarus. Hindi naming gawain magbanta. Gaya nga ng sinabi ko kamakailan, protektahan ninyo ang sa tingin nninyong inyo at poprotektahan naming ang sa amin. At isa si Archimedes doon. Bilang Mondkrieger, tapat kami sa aming sinasabi. Magandang gabi, Senior.”
“Mondkrieger…” Ulit ko sa salitang iyon. Salitang German na nangangahulugang “Moon Warriors”. Pamilyar ang salita ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya na rinig o nabasa.
Bakit ba maraming problema ang lumilitaw ngayon. Kung kelan inaayos ko na sana ang Tech Summit ay saka naman nagkakaroon ng mga problema.
“Alistair.” Tawag ko.
“Senior Lazarus?” Mabilis nitong sagot.
“Pakilusin mo ang mga Gold Elites. Hanapin si Archimedes at siguraduhing hindi siya masasaktan sa kahit na anong paraan. Nais ko siyang kausapin ng personal.” Utos ko
“Masusunodpo, Senior.” Mabilis namang umalis ito.