Arkie POV Mula sa madilim na parte ng kinaroroonan ko ay lumitaw ang babaeng minsan ko na ding nakausap. Siya ang babaeng nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa kung sino ako. “Pwede bang tama na! Ayoko nito. Bakit ko kailangang pagdaanan ito? Wala akong mapapala. Bakit ba pinakekealaman ninyo ang buhay ko? Tinatakasan ba kamo? Kung ikaw ang nasa lugar ko, masasabi mo ba iyan? Matatanggap mob a na sa kabila ng kabutihan ng magulang ko ay isusukli nito ay ang pagpanaw nila at iwan ako sa taong nagbigay lalo ng pahirap sa akin? Ang dali ninyong sabihin iyan dahil wala kayo sa posisyon ko.” Hindi nakasagot ang babae. Nakatingin lamang ito sa akin. Nakikita ko ang paglungkot ng kanyang mukha. “Alam kong naging mahirap ang daang pinatahak sa iyo ng kapalaran at hindi ko na iyon mababago

