Arkie POV After lunch ay nagpumilit na akong sumama sa pag training. Natanggal na din naman yung suwero at nakabalik na din naman ako sa normal. Pero itong si Jeremy ay todo pigil sa akin. Sa huli ay pinasama ako pero hanggang observe lang daw ako. Sarap hatawin lang diba. Kinausap muna ako ni Doc Reginald sabay final check-up. Normal naman daw ang lahat pero kailangan lang daw mag-ingat. Hindi na lang ako kumuntra dahil baka mas lalo lang nadagdagan ang ibibilin niya sa akin. Nang makalabas sa clinic ay tumunganga lang ako sa kanila. Umupo lang ako sa tabi. Hindi ko din naman maikwento ang nangyari sa kanila. Pero mas okay na din naman iyon para iwas sa problema lalo pa’t ayaw nilang maniwa na wala akong alam sa pagbago ng kulay ng mata ko. Itatanong ko nga iyon kay Mama if nagkita ka

