Kings of Solaris Arc Finale Bago pa man makasagot si Nate sa tanong ng taong nasa kabilang linya ay nawala may kumuha na ng kanyang gaming phone at tinapon ito sa malayo. Nanlaki ang mata ni Nate nang makita kung sino iyon. “Uriel?” Pero sa halip na sumagot ay isang malakas na sipa ang natanggap niya mula sa lalaking kaharap. Tumilapon naman siya sa malayo. Agad namang nakatayo si Nate. Hindi niya ininda ang sakit na dulot ng sipa. Ganoon pa man ay hindi maalis sa kanya ang mag-alala dahil sa kalagayan ng kanyang Kuya. Natamaan kasi ito ng bala ng magkaputukan na sa kanilang tinataguan. At lahat ng ito ay kasalanan ng lalaking ngumingising nakatayo sa harapan niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Galit na tanong ni Nate. Hindi niya akalaing masusundan siya ng lalaki. “Pinipi

