"Babe, siguradong malulungkot si Jasmine, kapag wala na tayo dito. Sana maging maayos ang buhay niya sa piling ni Dylan." wika ni Heather, habang sakay sila ng kotse. Katatapos lang ma approved ang kanyang visa at balak na nilang umalis patungong Paris, kinabukasan. "Sana nga, Babe, dahil ako mismo ang makaka laban ni Dylan, kapag sinaktan niya ang kaibigan natin." sagot ni Nathan. Gumalaw pa ang kanyang panga, dahil sa inis niya sa biglaang pag-aasawa ni Jasmine. Nagulat na lang kasi siya, dahil sa balitang yun. Pakiramdam niya ay para siyang nanghina ng malaman niya ang ginawa ni Jasmine. "Mahal siya ni Dylan, Babe, kaya nga pinakasalan niya agad si Jasmine, para hindi sila magka hiwalay na dalawa. Ang pagpapa kasal nilang dalawa lang ang tanging paraan para hindi maipakasal si Dylan

