Emily's POV MALUNGKOT ang buhay ko, mag mula ng umalis na walang paalam si Jasmine. Kahit lagi kaming nagkaka usap ng anak ko sa cellphone at sa text, ay iba parin ang saya ko kapag nandito siya sa tabi ko. Sanay akong lagi ko siyang kasama at laging nakikita ang aking anak, kaya ngayon wala na siya dito sa piling ko ay parang nawalan din ako ng gana sa buhay. Minsan naitatanong ko na lang sa dios na bakit napaka lupit sa akin ng kapalaran. Lagi na lang akong iniiwan, laging nag-iisa. Bakit ayaw akong hayaan ng dios na maging masaya sa buhay? Bakit lagi na lang akong nagdurusa? Ganito na lamang ba ang papel ko sa buhay, ang masaktan at magdusa? Masaba ba akong tao, para maranasan ko ang lahat ng ito? Minsan parang ayaw ko na rin umuwi sa aking bahay, dahil wala naman akong madadatnan

