MATAPOS ang ginawang Caesarean Section kay Emily ay agad din siyang dinala sa loob mismo ng Private Room ni Natasha, upang doon mag pagaling. Kambal ang naging anak ni Emily, isang lalaki at isang babae. Dinala din nila sa loob ng Private Room ang kambal na anak ni Emily, dahil iyon daw ang bilin sa kanila ni Natasha. Nasa labas naman ng pinto ng Private Room ang mga Security Guard na dating nag babantay sa labas ng pinto ng Condo na tinitirahan ni Emily. Talagang napaka higpit ng seguridad na ibinigay kay Emily, dahil iyon sa utos ni Natasha. Mahimbing na naka tulog si Emily, matapos ang kanyang Surgery. Pagod na pagod siya dahil sa hirap niya sa pag la-labour. Ilang oras din siyang naka tulog, dahil sa kanyang pagod at dala na rin ng mga gamot na itinurok sa kanya. Si Nurse Zindy pa

