EMILY'S POV PARANG KAILAN LANG, noon una akong makarating dito sa Del Valle Private Island. Nag simula lang ang lahat sa isang kasunduan. Isang kasunduan na kailanman ay hindi ko inisip na mangyayari sa buhay ko. Dahil lang sa matinding pangangailangan ko ng pera noon, kaya ako pumayag na maging Surrogate Mother. Kahit napaka bata ko pa noon at wala pang karanasan sa lalaki ay umuo parin ako. Dahil ang importante sa akin noon ay ang paipagamot ko ang aking ama na may malubhang karamdaman. Ngunit hindi ko inakala na ang pag payag ko palang maging Surrogate Mother ay ang magiging daan, upang mapasa akin ang lalaking unang nagpatìbòk ng aking puso. Si James Del Valle na kahit may asawa na noon ay pinapangarap parin na makuha ng kahit sinong babae. Hindi ko rin ikakaila na isa ako sa mga n

