"Nanay, nasaan na po kaya yung Magàzìnè na binili ko noon nakaraang linggo? Bigla kasing nawala, sayang kasi, hindi ko pa yun nababasa. Gusto ko pa naman sanang pag-aralan ang bawat detalye ng mga damit sa Natasha's Fashion Collection." Naka simangot na tanong ni Jasmine sa kanyang ina, habang sinisilip ang mga silong ng kanilang mga upuan, mesa at pati ang ilalim ng mga Cabinet ay nasilip na rin niya ngunit wala naman siyang makitang Magazìnè sa paligid. "Ginawa ko ng pampalingas noon pa, kaya huwag mo ng hanapin dahil naging abo na!." sagot ni Emily, sa kanyang anak na saksakan ng kakulitan. "Nay, bakit mo naman ginawang palingas yun, eh, ang mahal kaya ng bili ko sa Magàzìnè na yon. Ang daming tuyong dahon ng niyog sa likod, tapos yung Magàzìnè ko pa talaga ang ipinang oalingas mo!

