"Hello po Tita, ikinagagalak ko po kayong makilala." naka ngiting wika ni Heather, saka inilahad ang kanyang palad. Agad naman siyang niyakap ni Emily, dahil natutuwa siyang makilala ito ng personal, dahil sa mga ginawa nitong pagtulong kay Jasmine. Alam din ni Emily, ang lahat ng ginawang kabutihan ni Heather, para sa kanyang anak, magmula nagkakilala ang mga ito. Lagi kasing sinasabi sa kanya ni Jasmine, ang lahat ng tungkol kay Heather. Pati ang mga pagbibigay nito ng mga gamit sa kanyang anak. "Natutuwa ako, dahil nakilala din kita Heather. Alam mo bang lagi kang ibinibida sa akin ni Jasmine, kaya kahit hindi pa nakikita noon ay parang kilala na rin kita. Dahil walang ibang bukang bibig ang anak ko, kundi ikaw." naka ngiting wika ni Emily. Hinalikan din niya ang napaka gandang dalaga

