Sa haba ng biyahe namin patungong Paris ay hindi talaga ako lumabas ng Private Room. Kompleto naman ang lahat ng mga kailangan ko dito sa loob at kung gusto ko man kumain ay itatawag ko lang ito sa telepono at darating na ang pagkain na gusto ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang sakit sa aking dibdib. Parang nakikita ko parin si Emily, na umiiyak at nagmamakaawa sa akin na huwag ko siyang iwanan. Bawat iyak niya at paghikbi ay naririnig ko parin sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Pati ang kanyang nakaka akit na pagtawa ay naririnig ko, kahit hindi ko na siya kasama. "James, habulin mo ako!..." "Humanda ka sa akin 'pag nahuli kita... At makikita mo mahal, hindi ka talaga makakapag pahinga, sinasabi ko sa'yo! Huh!. hindi kita palalakarin para hindi kana maka takbo

