Hapon na kami naka balik na dalawa ni James sa Resthouse. May dala rin kaming mga buko at Alimango. Matapos kasi naming makain ang nahuli kong alimango ay nagyaya pa si James, na manguha pa daw kami para may maiuwi. Ang sarap kasi ng Alimango sa island na ito at napaka taba rin nila. Tuwang-tuwa din si James, kapag nakaka huli siya ng alimango. Napapa sigaw pa siya ng malakas, habang hinuhuli niya ang alimango. Nakakatuwa lang talaga siyang panoorin, dahil ang laki niyang tao pero takot sa alimango. Kung sabagay, hindi naman kasi normal ang size ng mga alimango dito. Sobrang laki nila at napaka hirap kunin, dahil bago pa sila mahawakan ay naka abang na ang kanilang ipit. Ngayon lang daw naka experience si James na manguha ng mga alimango sa buong buhay niya. Kaya ganon na lang ang tuwa niy

