Matapos kumain nina James at Emily ay agad na silang naghanda para sa pagpunta nila sa light house. Nasa pinaka mataas na bahagi ito ng bundok na bato at napaka taas din ng tower kaya umaasa si James na hindi na sila maaabot doon ng tubig. Matibay din ang pagkaka gawa ng Tower, dahil puro makakapal na bakal ang ginamit sa pag gawa nito. Dalawang malalaking bag ang inihanda ni James, na dadalhin nila. Dinala din nila ang mga kumot nila at tuwalya at ilang damit na pwede nilang bihisan kapag nabasa sila ng tubig. May mga pagkain din silang dala pati na tubig para may inumin sila sa taas. Hindi kasi nila alam kung hanggang kailan pa sila mananatili sa tower. Baka abutin pa sila doon ng ilang araw, dahil sa nakikita ni James, ay matagal pa ang pananalasa ng bagyo. "Tara na, Mahal. Dyan tay

