Chapter 9 - Erwin "Assurance"

2054 Words
"Erwin, okay ka lang ba?" tanong ni Ate Eloisa ang panganay ko na kapatid. "Bakit Ate?" tanong ko at huminga muna siya nang malalim saka umiling. "Ilang araw ka na kasing ganyan, wala sa sarili, tahimik at madalas ay tulala. May problema ba? Kung magkaaway kayo ni Lurhen please lang huwag mo naman sana idamay ang trabaho mo," sabi niya at nagtataka na tiningnan ko siya. "Ilang beses ka na nagkamali ng order sa mga supplier natin. It's either kulang o sobra naman kaya nadodoble ang costing natin. Pati sa booking ang gulo ng record mo. Apektado rin ang mga tao natin dahil hindi ka raw nila makausap ng maayos. Hindi ko sinasabi ang mga ito dahil nagagalit ako. Naiintindihan ko naman na mahirap mag-manage ng mag-isa pero kung hindi mo naman pala kaya sana ay sinabi mo agad sa amin," paliwanag niya at huminga ako nang malalim saka yumuko. Tatlo kaming magkakapatid at lahat kami ay tulong-tulong sa pagpapatakbo ng family business namin. Noon pa man ay tinuruan na kami ni Mama sa kung ano ang ginagawa niya. Maaga kami naulila sa Ama kaya naman tumulong kami kay Mama sa abot ng aming makakaya. Hindi nakapag-asawa si Ate Eloisa dahil nag-focus talaga siya sa business namin. May edad na si Mama at may mga nararamdaman na sa katawan kaya siya na ang umako ng lahat after niya mag-graduate. Pagka-graduate naman ng isang kong kapatid na si Eliza ay tumulong na rin siya. Habang hindi pa namin na patayo ang pangarap namin ni Lurhen na Restaurant ay focus muna ako sa business namin. Alam naman ng pamilya ko ang plano namin at supportive naman sila para sa amin. "Pasensya na Ate," halos pabulong na hingi ko ng dispensa. "Kung ano man ang problema ninyo ni Lurhen, mas mabuting pag-usapan agad ninyo at huwag ng patagalin pa," payo niya at tinapik niya ako sa balikat. "Salamat Ate," tugon ko. "Kami na muna rito ni Eliza at pasyalan mo si Mama sa hospital. Kahapon ka pa niya hinahanap. Miss na niya ang baby boy niya," sabi niya saka tumawa. "Ate naman hindi na ako baby boy," inis na sabi ko at tumawa lang siya nang malakas pa. "Talaga ba? Basta huwag mo kalimutan iyong mga hinanda namin na pagkain ni Mama at iba pang gamit niya," pahabol niya bago lumabas ng office. Sobrang dami ng iniisip ko at hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko. Wala naman kaming problema ni Lurhen at hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Matagal na kaming mag kasintahan ni Lurhen college student pa lang ako ay nililigawan ko na siya. Hindi naging sagabal ang malaking agwat ng edad namin dahil unang pagkikita pa lang namin ay nararamdaman ko na ang matinding koneksyon namin sa isa't isa. Unang kita ko pa lang sa kanya ay attracted na agad ako. Marami siyang quality na sobrang nagustuhan ko at habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Marami ng babae ang dumating sa buhay ko pero tanging siya lang ang nagpabago sa akin. Binago ko ang sarili ko para sa kanya dahil gusto ko na maging deserving ako. Sa kanya ko lang din nakita ang future ko. Marami na kaming pinagdaanan na problema pero lahat ng iyon ay nalampasan namin na magkasama. Mahal na mahal ko siya at alam ko na hindi ko kakayanin na mabuhay kung mawawala siya sa buhay ko. "Te, aalis na po ako," paalam ko kay Ate Eloisa paglabas ko ng office. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas ng office. Ayaw ko sana lumabas dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Ngayon pa lang ulit ako bibsita kay Mama bawal siya ma stress at kahit hindi ko sabihin alam kong nararamdaman niya na hindi ako okay. "Okay, ingat ka sa pag-drive at iyong bilin ko huwag mo kalimutan nandoon sa sasakyan ko," sabi niya at tumango lang ako. Pagkatapos ko kunin ang basket na bilin ni Ate ay dumaan muna ako sa grocery store para bumili ng prutas. Pagkalipas ng ilang oras ay sakay na ako ng elevator papunta sa floor kung saan ang kwarto ni Mama. Hindi naman kalayuan mula sa elevator ang kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya. Hindi niya dapat mahalata na hindi ako okay para hindi siya ma-stress. "Hi, Ma!" nakangiti na bati ko sa kanya. "Bakit ngayon mo lang ako dinalaw? Nag-aalala na tuloy ako sa iyo. Kumusta ka na, Erwin?" nag-aalala na tanong ni Mama at ngumiti ako. Naglakad ako papalapit sa kanya at nag-mano muna ako saka ko siya hinalikan sa pisngi. Kahit kailan talaga mas aalahanin pa ni Mama ang kalagayan namin kaysa sarili niya. Kahit na maagang nawala si Papa ay itinaguyod niya kami ng mag-isa. Nakita ko lahat ng sakripisyo at paghihirap niya para sa aming tatlo. Hindi ako perpektong anak at marami akong kalokohan noon pero inintindi lang niya ako. "Ma, ikaw nga po ang dapat na kinakamusta ko. Okay ka na po ba? Kumusta po ang pakiramdam mo? Naging busy lang po talaga ako kaya ngayon lang po ako bumisita sa iyo. Huwag ka na po magtampo," tugon ko. "Busy lang ba talaga o may iba pang dahilan?" alanganin na tanong niya. Hindi ako tumugon at nagkunwari na abala sa paghahanda ng pagkain niya. Ayaw ko na mag-isip pa siya ng kung ano-ano dahil makakasama iyon sa kanya. Hindi ko na siya dapat idamay pa sa problema ko. "Ilang araw lang kita hindi nakita pero ang laki ng pinagbago ng katawan mo. Ang putla-putla mo at parang pumayat ka. Sigurado ka bang okay ka lang Erwin?" tanong niya at nakangiti na tumango ako. "Ma, ano po ang gusto mo tinolang manok o steam na isda po?" nakangiti na tanong ko pagtingin ko sa kanya. "Isda na lang Anak, pakiramdam ko malapit na ako tubuan ng pakpak dahil lagi na lang manok ang ulam ko rito," natatawa na sagot niya. Pagkatapos ko ihanda ang pagkain namin sa tray ay inayos ko na ang lamesa papalapit sa kanya. May binigay naman na pagkain ang hospital pero hindi gusto ni Mama ang lasa kaya araw-araw ay nagdadala sina Ate ng pagkain galing sa bahay. Sinabayan ko na rin siya kumain at masaya ako makita na okay na si Mama. Takot na takot kami nang isugod namin si Mama sa hospital. Hindi pa kami handa na mawala siya sa amin. Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at binalik sa basket ang ibang dala ko. "Ano po pala ang sabi ng mga Doctor?" tanong ko habang binabalatan ko ang binili ko na orange. "As usual maraming bawal at maraming hindi pwedeng gawin," nakasimangot na sagot ni Mama. "Wala naman pong masama roon kasi hindi ka na po bata para gawin ang lahat. Dapat ay nagpapahinga ka na lang po sa bahay. Kaya na po namin i-operate ang catering kaya wala ka na po dapat alalahanin pa," sabi ko at umiling siya bilang hindi pagsang-ayon. "Alam ko naman na kaya na ninyo pero hindi naman ninyo kailangan ibuhos ang buhay ninyo sa negosyo. Ang Ate Eloisa mo ayaw na mag-asawa dahil ang iniisip niya ay baka raw mapabayaan niya ang negosyo natin. Si Eliza may boyfriend nga kaso mas nakatutok naman sa negosyo kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay maghiwalay na sila. Ikaw lang ata sa kanila ang kayang pagsabayin ang pagkakaroon ng girlfriend at trabaho," paliwanag niya. "Hindi ko tuloy alam kung kasalanan ko ba kung bakit ganoon sila mag-isip. Na pressure ko ba sila?" may pag-aalala na sabi niya at kinuha ko ang isang kamay niya. Kapag napag-usapan naming tatlo ang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya ay laging nababanggit ni Ate Eloisa nasa negosyo ang focus niya. Ang hindi alam ni Mama na trauma si Ate sa huling naging boyfriend niya. Sa tingin ko hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naka-move on sa ginawang pag-iwan sa kanya ng Ex-boyfriend niya. Kami lang ni Eliza ang nakakaalam kung bakit sila naghiwalay at ayaw banggitin ni Ate iyon kay Mama dahil alam niya na ma-disappoint lang siya. Si Eliza naman kaya ganoon ay dahil hindi naman talaga niya mahal ang boyfriend niya. Komplikado ang sitwasyon niya at kahit anong payo namin sa kanya ay hindi naman siya nakikinig. "Ma, hindi naman po sa ganun ayaw lang po namin na mapabayaan ang pinaghirapan mo po. Alam po namin at nakita kung paano mo po binuo ang negosyo natin ngayon. Mama, pinapahalagahan lang po namin ang pinaghirapan po ninyo katulad ng pagpapahalaga namin sa iyo," paliwanag ko at bakas sa mukha niya ang lungkot. "Ang gusto ko lang naman ay magkaroon kayo ng sarili ninyong pamilya," sabi niya saka ngumiti. "Kumusta nga pala kayo ni Lurhen? Malapit na siya umuwi, hindi ba? Wala pa ba kayong plano na magpakasal?" tanong niya at saglit ako natigilan ng marinig ko ang salitang kasal. "Okay naman kami Ma kahit na pareho kaming busy may time pa rin po kami sa isa't isa. Mag-renew pa po siya ng kontrata pero imbes na uuwi po siya rito para magbakasyon ako po ang pupunta roon," tugon ko at nagtataka nakatingin siya sa akin. "Bakit kailangan pa niya mag-renew?" nagtataka na tanong niya. "Iyon po kasi ang gusto niya at saka okay lang naman po sa akin kasi kulang pa po ang ipon namin para sa Restaurant na gusto namin itayo. Plano ko na po mag-propose sa kanya pagdating ko po roon," sagot ko. "Kung ang inaalala ninyo ang pondo para sa business ninyo pwede ko naman kayo bigyan. Kung gusto mo siya pakasalan bakit kailangan pa ninyo patagalin pa? Ilang taon na rin naman kayo magkasama at sapat na ang panahon na magkahiwalay kayo. Hindi ka dapat pumayag na mag-renew pa siya ng kontrata. Dapat ay kinumbinsi mo siya na umuwi na lang at pagtutulungan kung ano ang meron kayo. Erwin baka nakakalimutan mo na mas matanda sa iyo si Lurhen at sa edad niya dapat ay nagsisimula na kayo ng pamilya. Hindi naman sa nakikialam ako sa buhay ninyong dalawa pero bago ang lahat dapat ay unahin muna ninyo ang magpakasal. Hindi na kailangan ng magarbo na kasal kahit simple lang Erwin basta ang mahalaga ay makasal na kayo," sabi ni Mama at na tahimik ako. Hindi ko masabi kay Mama na ako ang humiling kay Lurhen na mag-renew dahil hindi ko pa kayang sabihin sa kanya kung ano ang dahilan. Napag-usapan na rin naman namin ang tungkol sa kasal at Ang future namin. Matagal ng pangarap ni Lurhen ang magkaroon ng sariling Restaurant at ayaw ko siya pigilan na tuparin iyon kaya ako pumayag na mag-abroad siya. Ang usapan namin ang dalawang taon lang pero dahil siya ang inaasahan ng pamilya niya hindi nasunod ang usapan namin. Minsan ay pinagtatalunan namin ang tungkol sa pamilya niya dahil kung tutuusin ay hindi naman niya obligasyon na magbigay sa kanila buwan-buwan. Matagal ko na talaga plano mag-propose sa kanya pero lagi ako pinanghihinaan ng loob lalo na kapag naririnig ko ang mga pangangailangan ng pamilya niya. Pakiramdam ko hindi kasama sa priority niya ang tungkol sa aming dalawa lalo na ang kasal. May ipon naman kami na halos siya ang naghuhulog pero kadalasan ay ginagamit para sa pamilya niya. Hindi niya alam ay nag-iipon din ako para sa kasal namin dahil gusto ko siya bigyan ng kasal na hindi niya makakalimutan. Tumatak sa isip ko ang laging sinasabi ni Mama na dapat ay maging memorable at special ang araw na iyon dahil pangarap iyon ng isang babae. "Huwag mo na po kami alalahanin ni Lurhen dahil naka-plano na po ang lahat. Pangako po Mama malapit na po kaming ikasal. Kung ang iniisip mo naman po ay ang pagkakaroon ng apo mangyari na rin po iyon. Naniniwala po ako na kahit na may edad na si Lurhen ay kaya pa po niya magbuntis. Wala na pong imposible sa panahon ngayon," nakangiti na sabi ko pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha niya. "May problema ba kayo?" nag-aalala na tanong niya at agad ako umiling. "Ma, huwag ka na po mag-aalala sa amin dahil okay po kami. Mahal na mahal ko people siya at siya lang ang babae na gusto makasama hanggang sa huling hininga ko," sabi ko at pinisil ko ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD