SAM POVS
Lumipas isang buwan okay naman ang pagsama namin ni Carl sa' loob ng kanilang bahay. Hanggang ngayon hindi pa alam ng ate nya na kami na.
Dahil ayaw ko, magalit sa amin si Ma'am Grace. Hindi na rin nagpakita si Jane sa amin kaya tahimik ang buhay namin.
Wala si Carl ngayon sa bahay bigla kasi sya pinatawag sa office ng kanyang pinasukan. Pasamantala nagtrabaho ito sa kumpanya.
Habang ako naman nandito sa town upang bumili ng gamit ko. Naubos na kaya kailangan ko, na bumili.
"Sam?" boses ng lalaking pamilyar sa akin.
Hindi ako nagkamali si Edward ito.
Paglingon ko walang iba kundi si Edward.
" Ikaw pala, Edward?" ngiting sabi ko sa lalaki.
" Long time no see?" ngiting sabi nito sa akin.
" Oo, nga ang tagal natin hindi nagkita almost month," tungon ko.
" Kamusta ka naman, parang lalo kang gumanda?" pambobola nito sa akin.
" Ikaw naman, wala naman nagbago sa akin. ikaw nga ito muntik ko na hindi makilala."
"Sino kasama mo?" tanong nito sa akin.
"Ako, lang may kailangan lang kasi ako dito," tungon ko.
"Tula nandito naman, tayo pwede ba, kita yayain kumain," saad nito sa akin.
Nag-alangan ako kung papayag ba, ako sa alok nito. Ngunit wala naman masama kung pumayag ako. Isa pa kilala ko naman ang lalaking ito.
Yung nga lang nahihiya ako sa kan'ya dahil nanliligaw ito sa akin.
Ngunit hindi pa nya alam na kami na ni Carl.
Nagtungo kami sa restaurant.
Pagdating sa loob pinahila nya ako ng upuan.
"Salamat," tungon ko sa lalaki.
"Anong gusto mo,kainin Sam?" tanong nito sa akin.
"Kahit ano, na Edward.
Nga pala bakit ngayon ka lang nagpakita saan ka, galing!" mahabang tanong ko sa lalaki.
"May importante lang ako ginawa kaya ngayo lang ako nagpakita. Kamusta pala si Carl hindi na ako nakatawag sa kanya dahil sobra akong abala sa trabaho ko?" pahayag nito sa akin.
"Ayon ayos naman sya," tipid na sagot ko.
Maya't-maya dumating na ang pagkain namin. Nag-umpisa na kami kumain ni Edward.
" Sam, bakit hanggang ngayon hindi mo pa, ako sinagot?" tanong nito sa akin.
" Edward, sinabi ko, naman sa' yo, na hindi ako karapatdap na babae para sa yo.
May pinag-aralan ka, at may matino kang trabaho. Samantala ako katulong lang sa pamilya ni Carl.
Ano na sasabihin ng magulang mo sa akin?" saad ko kay Edward.
" Sam, wala akong pakialam sa sinabi nila. Ang importante mahal kita lalayu tayo sakanila kung yan ang gusto mo."
" Hindi madali iyon, Edward. Ayaw ko rin lumayo sa pamilya ko.
Kaya ibaling mo na lang sa iba yang pagmamahal mo para sa akin. Humanap ka ng babaeng ka lebel mo?" mahanag saad ko.
Hindi ito nakapag salita sa sinabi ko.
Ayaw ko lang sya umasa sa akin.
Lalo na mayaman ito habang ako naman mahirap lamang.
Nang matapos kami kumain hinatid na ako ni Edward sa terminal ng jeep.
Balak pa, nya ako ihatid ngunit tumanggi ako. Baka makita pa kami ni Carl na magkamasama.
Ako na lang umiwas para walang gulo.
Ngunit maraming tao mag-agawan para lang makasakay ng jeep.
"Sam, ihatid na kita tingnan mo naman marami pang naiwan baka gabihin ka dito," saad nito sa akin.
No choice ako kundi pumayag kaysa naman gabihin ako dito.
Sumakay ako motor ng lalaki.
Hanggang sa nakarating kami sa bahay ni Carl.
"Salamat, sa paghatid sa akin Edward. Mag-ingat ka sa daan," saad ko sa lalaki.
May dala naman ako ng susi ng bahay kaya hindi ko na kailangan naghintay dito sa labas upang pagbuksan. Baka hindi pa nakauwi si Carl .
" Bakit ngayon ka lang at bakit hinatid ka ni Edward!" seryosong saad ni Carl habang nakatayo. Tila kanina pa ito nakatayo dito at nakita kami sa labas.
" Hinatid ako ni Edward," tipid na sabi ko.
" Sabihin mo, sa akin nag date ba kayo?" tanong nito.
Kaya umigting ang tenga ko sa tanong ni Carl.
Tila wala syang tiwala sa akin.
" Ganun ba', ang tingin mo sa akin Carl.
Hindi porket hinatid ako ni Edward ng date na kami dalawa!" untag ko sa lalaki.
" Ano ito, bakit magkamasama kayo at tila ang saya-sayo pa habang kumain kayo?" untag nito sa akin.
Tiningnan ko, ang litrato na pinakita sa akin ni Carl.
" Walang ibig sabihin iyan niyaya nya ako kumain kaya sumama ako. Teka sino ba, nagpasa sa' yo, nyan?" tanong ko kay Carl.
" Hindi na mahalaga iyon Sam. Kaya pala hindi mo, ako hinintay maka uwi dahil may tinatagpo ka pala?" anya nito sa akin.
" Nasa sa' yo, na yan kung maniwala ka. At hindi ko kailangan magpaliwanag dahil walang katotohanan ang sinabi mo."
" Sam, oras na malaman ko, may namagitan sa inyo ni Edward, yari ka sa akin!" banta nito sa akin.
" Ewan ko, sa'yo!" galit na sabi ko. Tinalikuran ko ito at pumasok sa loob upang itago nag pinamili ko.
Hindi ko lubos akalain na pinag-isipan ako ng masama ni Carl.
Masama ang loob ko dahil dito. Ako akala nya sa akin malanding babae kahit may nobyo pumapatol pa sa' iba.
Nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko. Wala akong balak lumabas o kausapin si Carl.
Hindi nagtagal may kumatok sa labas ng kwarto ko.
Hinayaan ko lang ito. Ayaw ko makausap ang lalaking iyon .
Ngunit makulit ito kaya binuksan ko na baka masira pa ang pinto.
"Anong kailangan mo?" pagtataray ko sa lalaki.
"Honey, sorry kanina kung pinag-isipan kita na hindi magandang. Nagselos lang ako dahil kasama mo si Edward?" mahinang sabi nito.
" Huwag mo kasi pairalin ang selos.
Hindi mo namalayan dahil dyan sa selos mo, nawala na yung taong mahal mo," untag ko kay Carl sabay taas ng kilay. Gusto ko batukan ang lalaking ito para naman sa ganun matauhan ang utak nito.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Hindi na maulit Honey," tungon nito sa akin.
" Sana nga hindi na maulit hindi naman kita kayang ipagpalit sa iba. Ma tanong ko lang sino nag sent ng picture namin sa' yo?" saad ko kay Carl.
"Hindi ko alam kung sino," wika nito sa akin.
" Huh? Pwede ba, iyon?" taas kilay na sabi ko.
" Yup? May nagsent kahit pangalan nya hindi ko alam. Tinanong ko kung sino sya mabilis nya ako block," pahayag nito sa akin.
Sheet hindi ko alam na may stalker pala ako. Ngunit sino naman gumawa nito eh wala naman kayo naging ka' away.
Isa lang ang tinging may galit sa' akin si Jane. Ngunit wala naman sya dito hindi na ito nagpakita sa amin ni Carl.
Kung sakali sya nga, kailangan ko mag-ingat mula sa kanya. Kilala ko ang ugali ni Jane.