CHAPTER 4

1550 Words
A/N: I just want to inform you that this chapter, and the other proceeding chapters is the flashbacks, to better understand why the first three chapters happened. I will put an Author's Note when the flashback is ended, thank you so much! CHAPTER 4 FLASHBACK "Kristina!" Napapikit ako. Nagpapadiyak sa inis ang paa ko. Nandidilim ang paningin ko. At wala akong pakealam kung mamaos man ako kakasigaw kay mama. Iminulat ko na ang mga mata kong kanina pang gustong umiyak. "What?! Mali ba ako? I-it's just an accident. It will never happen again," paliwanag ko kay mama na ngayon ay naghihikahos ang hininga dahil sa galit. Nag-aaway kami ngayon. Literal na hindi ako sanay sa ganitong set up naming dalawa. At hindi ko rin kilala ang sarili ko ngayon, sumasagot ako sa kanya. Disrespectful, pero may karapatan akong magdemand. Dahil karapatan ko ang kinokontra niya ngayon. Nagsilabasan ang wrinkles sa mukha ni mama. Stress siya ngayon, dahil sa akin. Wala naman akong magagawa, kailangan ko ring patunayan na may tama ako sa mata niya ngayon. Archer is the one we talk about right now. I know him, he won't do this to me. Pero napakamartyr ko na rin kung kakampihan ko pa siya ngayon. With that accident happen. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang makita ngayon. Ewan ko, nakakagulo ng isip. Maraming problema ang pumapasok sa isip ko, una kay Arch, at mas malala ay ang gustong mangyari ni mama para sa akin. "Accident? Tingin mo ba aksidente lang yun? Ginusto niya yun at kahit kailan sinadya niya yon! Intensyon niya yon!. Hindi mo parin ba ako maintindihan? I'm just doing this for you Kristina." Hinagkan pa ni Mama ang aking kamay. I looked away, trying not to burst out to cry. Nag-eecho ang boses ni mama sa tainga ko. "Pero mama. Matanda na ako, kaya ko na ang sarili ko. At k-kung gusto niyo, makikipagbreak na ako sa kanya," pagbibigay ko ng option. Sigurado ba ako? Well, ang bobo ko sa part na nagbigay pa ako ng option sa kaniya na hiwalayan ang lalaki. Na kahit hindi ko i-suggest ay gugustuhin lang talaga nilang maghiwalay kami. Malamang, kahit na ipaglaban ko pa siya magbebreak lang naman ulit kami dahil ayaw ni mama sa kanya. At tiyaka wala na rin naman akong rason para ipaglaban pa siya. "Aba. Dapat lang na makipaghiwalay ka sa kanya. Pero". Napabuntong hininga siya. Problemado. " Buo na ang disisyon namin ng papa mo. Doon ka muna sa tita mo," nangilid ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Si mama, papa, laban sa akin na nagiisa lang. Wala akong magagawa ngayon.. Sh*t. "Mama naman." nanlumo ako. Nakaramdam ako ng lungkot ng mga sandaling iyon. "Paano ang school ko? 'Yong mga requirements ko? At sayang yung i-ti-TF sakin next week. And yung friends ko." Malaki ang talent fee na sana ay makukuha ko next week.. Hindi ko naman kayang pabayaan yun dahil malaking tulong na yun sa akin. "Kaibigan... Those are all bad influences!! Don't you see?" Itinaas niya ang kamay niya na parang kinokontra ako. Gusto kong magwala, gusto kong maglayas.. Ayaw ko sa plano niya para sakin. Iniisip ko palang. Iniisip ko palang..... ...nanlulumo na ako. "They don't at alam ko sa sarili ko na walang kinalaman lahat ng yun sa nangyari sa akin. Masyado ka naman yatang exxagerated mama." Nakita kong nagulat si mama sa sinabi ko sakanya. Kahit na ako ay ganun din. "Huwag mo 'kong pagsalitaan ng ganyan ,Tina. Ina mo parin ako." depensa niya. Mapapaurung nalang talaga bigla ang bibig mo kapag 'yan na ang sinabi ng magulang mo. Bulok na ang linyang yan pero hindi pa rin talaga nawawala. "Ano nalang iisipin ng papa mo ha?? Na pabaya ako?" nangilid rin ang luha niya. Pareho kaming dalawa na hindi makapaniwala sa nangyari. Kaya nga basta basta na lang din ang plano ni mama, at biglaan rin na dapat akong magpasya kung ano ba talagang dapat. Kaya ko pang mapapayag si mama. Pero kung si papa na ang nagdesisyon, wala na. Tapos na ako. Deads na ako sa probinsiya. ''Pero mama naman. Hindi niyo naman po kailangang gawin ito. Kayang kaya ko naman po ang sarili ko dito. Hindi niyo naman po ako pe-pwedeng ipapunta sa probinsiya ng basta basta lang," aniya ko. "Mas maganda ang buhay sa probinsiya anak. Walang gulo, at dito sa manila-" Napaluha na ako ng mga oras na ito. "M-mas sanay naman ako sa manila, Mama." "Mas sanay?" Dismayado siyang napaupo sa silya niya. "Muntik ka ng mapahamak nung letseng boyfriend mong yun, tapos sasabihin mong sanay ka dito?" Doon na ako napaluha. Inalo ako ni mama. Napakasakit para saakin ang ginawa ni archer. Napakababoy niya, hindi niya man nagawa ang intensiyon niya pero pakiramdam ko, narumihan na ang pagkatao ko. Natrauma ako sa pangyayaring 'yun. At hindi ko alam na ganun pala kalala si archer. Akala ko mabait siya. Akala ko, nirerespeto niya ako. Pero hindi, hinding hindi. Hindi ko na siya kilala ngayon. Oo, inaya niya akong mag-out-of twon, lingid sa kaalaman kong gusto niyang magtanan na kami. Mabuti nalang din at may nakakita sa amin, at alam ang balak ni Archer. Hindi naman namin siya kayang ipademanda kahit na may ebedensiya kami dahil mas makapangyarihan ang pamilya nila. Ilang oras rin akong umiyak nang umiyak. Labis na rin talaga kasi ang sakit ng dinadanas ko, sumisikip ang dibdib ko dahil mahal ko pa siya. Hindi mawawala yun ng basta basta lang. __ Nag-empake na ako ng gamit kinabukasan. Maraming ideya ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na 'toh. Tama si mama, kailangan ko ring ipahinga ang sarili ko. At tiyaka, after two weeks ay pupwede na akong makabalik. Pwede rin akong mag-enroll sa eskwelahan doon para may libangan. Hindi ko alam kung may eskwelahan ba doon o wala. Pero sana maayos naman. It;s just two weeks. Why I bother to enrolled in school there? It's province, and I know that the school there is cheap. Napaismid ako sa naisip. "Two weeks ka lang doon anak, kung gusto mo. May aasikasuhin rin kasi kami ng papa mo for one week kaya matatagalan ka doon ng kaunti." Paliwanag ni mama upang mapagaan ang pakiramdam ko. Hindi ako sumagot sa kanya. Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-ayos ng gamit ko, nararamdam ko pa rin ang presensya niya sa likod. Alam kong nag-aaalala lang siya para sa akin. Gustong gusto ko sa mga malls, shopping, movie maraton, sine, salon, lahat lahat. Pero sa ngayon. Iuurong ko muna ang mga iyon. Have you ever screwed your life?? Living in a province full of mud? I don't think so I can survive. Madalas na napapaisip ako sa bawat minutong nagtatagal tungkol diyan. Ni hindi ko nga nasulit ang mga huling araw ko rito sa manila. Ni hindi ko nga nakasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko pa sila nasabihan tungkol sa pag-alis ko. At ang mas malala, matatalikuran ko na ang normal kong pamumuhay. Nagvideo call si papa sa akin. Hindi ko alam ang ipapaliwanag sakanya. Nakokonsensya ako kahit na wala naman akong ginagawa. Bahala na, magiging gentle nalang ako sa pagsagot sakanya. "Sigurado ka na ba?" Nabigla ako sa sinabi ni papa sa akin. Akala ko, pipilitin niya akong pumunta kina tita gaya ni mama. "What do you mean?" Aniya ko. Nagsimula akong magbuntong hininga. Napahawak ako sa lace ng bag ko na kanina pa nakatambak dito sa salas. "I mean. Hindi ka sanay sa buhay probinsya..." Pinatigil ko na siya sa pagsasalita. "No papa, it's fine. I can handle it. Kaya ko naman ang sarili ko doon. At tiyaka nandon naman si tita" Makakasama ko naman ang kapatid ni papa. Hindi ko pa siya kaclose masyado, pero susubukan ko. Magaan naman ang loob ko ngayon. Hindi na ako tutol sa binabalak nila. Tama sila, i need to refresh myself. Balak ko rin sanang mamasyal sa mapunong lugar, hindi sa puno ng mga gusali. "You sure anak? Masaya ako para sa 'yo." napangiti ito sa camera. "Mabuti at hindi ka na kumontra sa mama mo. Kwinento niya na nakipagbayangan ka daw sakanya kagabi." he chuckled. I tried to smile but it's way too hollow. "Sorry about that Papa," aniya ko. "No, no." sabay iling nito sa camera. "That was fine to us. Normal lang naman 'yon sa'yo." Hindi na niya natapos ang tawagan naming dalawa. Humina na naman kasi ng internet connection dito. Maybe next time na lang. Pero pwede namang sa probinsiya para makita niya naman ang kapatid niya. Sana malakas ang signal doon. Sinarado ko na ang laptop ko. Napatingin ako doon. hindi ko nalang siguro dadalhin ito sa probinsiya. Ayaw kong malibang doon ng kakagadget lang nang kakagadget. Nang mayari na ako sa pagliligpit ay tiyaka naman dumating ang door bell sa labas. "Sino yan?!" Sigaw ni mama. Pinigilan ko na siya. Nginitian ko muna siya. "Ako nalang po mama," saad ko. Tumango naman siya bilang pagpayag kaya dali dali akong lumabas para tingnan kung sino ang tao sa labas. Binuksan ko ang gate namin.. Napatingala ako sa matipunong lalaki na nakatayo sa harapan ko. Nanikip na naman ang dibdib ko. "A-archer?" Gusto kong maiyak. Pero pinipigilan ko.. "Anong ginagawa mo rito?" naging seryoso na ang tono ko. Hindi na muli ako magpapadala sa bugso ng damdamin ko. Tama na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD