CHAPTER 11 "Mag-move on ka," ani Kael habang naglalakad kami palayo sa lugar na kinahulugan ko. Napahawak ako sa band aid na nasa siko ko. Hindi naman siya mahapdi, pati rin sa tuhod ko ay meron. Akala ko, sa loob lang ako masasaktan pero pati rin pala pisikal ay sinasaktan ako ni Archer. Ayaw ni titang magmahal dahil masakit lang yun sa puso. Now I get it. Nakakalusaw ng pagkatao ang pag-ibig. Maraming magbabago sayo. "I'll try. To move on. Halata naman diba?" Sabay ngiti ko kay Kael. Hindi ko alam kung bakit nandito si Kael sa palayan. Siguro ay dahil may trabaho siya, gaya noong isang gabi na una ko siyang nakita. Napakasipag pala ng lalaking ito. Napabuntong hininga siya habang nakapamulsa. "Halata namang hindi pa," bulong niya sabay hagikhik. Nanlaki ang mata ko, pero agad iyon

