CHAPTER 2
"P*tang*na naman, Kristina!!" umalingawngaw ang sigaw ni Kael nang hawakan kong muli ang kamay niya.
"Napakagago mo!" He said. He didn't even help me kahit na nadapa na ako kakahabol sa kanya.
He leaves, walks out and vanishes in my eyes. Doon ko ulit naramdaman ang basa kong pisngi. Nangatal ang pisngi ko at di na napigilan ang pagtakip ng mukha dahil sa labis na sakit na aking nararamdaman.
Kael thinks of me as an indifferent person. What if isipin niya na hindi ko siya mahal at naaawa lang ako sa kanya dahil nga mahirap siya?. Mas umingay ang sigawan ng mga tao sa kalapit na gym.
Habang ako naman ay nakatayo lang sa harapan ng gate na tinakbuhan ni Kael. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko ay pinilit ko paring makatayo doon. Napahawak ang isa kong kamay sa tuhod ko habang nakaangat ang tingin sa dalawang taong papalapit sa akin.
Si Naize ang umalalay sa akin paupo sa bench. Naize was my friend, a sister of Naiel. Naiel is the one I'm going to marry.
Kahit na pigilan ko ay hindi ko pa rin makayang mapayakap sa kaibigan ko at doon na humagulhol. I tell both of them what happened. I didn't even say that as a secret unless he knows it. Ngayong alam niya na, parang pinapamukha ko na sa sarili kong mangloloko ako. Na wala akong ibang ginawa kundi ang hawakan ang sekreto ko at hindi man lang sakanya ipakita.
Naize have decided. We need to follow Kael, tumayo na kami habang nakaalalay pa rin sa akin si Naize. Dumating naman ang iba kong kaibigan at kahit na naguguluhan sila ay pinaalis na nila kami at pinigilan na magtanong.
"Oh my God." bulong ni Naize. "Kristina." nakasandal ang ulo ko sa bintana habang siya ay nakahawak sa mga Kamay ko na nakapatong sa aking tuhod.
"I can't lose him," binulong ko iyon.
"Gustuhin man naming tumulong pero alam kong ikaw lang ang dapat niyang kausapin. Explain everything to him. You can't lose him either," malungkot niyang saad. Hinagod niya ang balikat ko.
I just stay in my position, watching the trees and houses passing by. Malapit na kami kina Kael, at kinakabahan ako na baka hindi ko siya maabutan doon.
"I will explain to him later. S-sasabihin kong wala lang ang lahat ng ito!, Set-Up lang naman ito sa family stuff and businesses natin diba?" Sabat din ni Naize sa aming dalawa.
"I don't know how to explain. Baka hindi siya makinig sa akin," aniya ko naman at napaluha muli. Pinunasan ko agad iyon, bumuntong hininga para pigilan ang pag-agos ng mga masasagana kong luha ulit.
Honestly, this is serious. I can't solve this for a few days, but i need to leave after that. I can't. Though. Just like I'm explaining a different language in him that is why he didn't get what I was trying to say.
Ayaw kong magalit siya pero nagawa ko na. Ako na ang may dahilan ng lahat ng nangyayari ngayon.
"Ang sakit pala. I thought it was easy pero hindi. Nagiging kumplikado ang nangyayari ngayon at sa relasyon namin ni Kael. At mas nagiging kumplikado pa dahil aalis na ako." napakagat ako ng labi ng may tumusok sa aking puso. It's damn hurt.
I was leaving this town. Because for f*ck*ng sake, I was the heir of our company.
"Kristina," pag-aalo ulit sa akin ni Naize.
"Paano kung hindi niya ako mapapatawad? Dadalhin ko ba ang bigat ng 'to sa pag-uwi ko?" Pinilit kong tingnan si Naize. She keeps on driving.
"Kristina. Whatever happens, andito lang kami."
Mabigat ang dibdib ko ng bumukas ang pinto ng kotse. Tinanguan ako ni Naize nang makalabas na ako, na parang nagpapalakas ng loob ko, pinagsiklup ko ang mga palad ko habang naglalakad papalapit sakanilang bahay. Praying and hoping na sana ay nandito si Kael.
At hindi nga ako nagkamali, nakita ko siya agad na nakatalikod sa bakuran. Napalunok ako at dahan dahang lumapit sakanya.
"Kael."
"Why are you here??" Matigas niyang sabi nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya. Napalunok ako.
"Kael," aniya ko. Pinipigilan ko ang sarili kong hawakan ang kamay niya. Alam ko rin namang hahawiin niya na naman iyon kung sakali.
Ikaw parin Kael. Hate me then, pero ikaw pa rin. I look for your way, kung ano man ang magiging agos ng iyong buhay ay sasabay ako. I won't leave you behind. Pero paano? Kung siya na mismo ang naglayo sa akin? Nanikip na naman ang dibdib ko at pinigilang maluha.
"Leave me alone."
"I can explain everything... I-" pinatigil niya ako.
"Enough!" kumalabog ang puso ko dahil sa lakas ng pagkakasabi niya nun saakin. "Sapat na ang nakita ko kay Zeldee para paniwalaing niloloko mo ako!"
"Kael!, Don't think about that! Huwag mong isipin na niloloko lang kita!" I explained too. "I LOVE YOU. That's why I do that."
Humarap na siya sa akin. May nakita pa akong luha na agad niya namang pinalis. Damn he's hurt. Nahihirapan ako ngayon.
"Do that, what?" tinaasan niya ako ng isang kilay. "Ano, Kristina? Masarap ba? Na nanloko ka ng iba? Wala kang pinagkaiba sa lola mo! You're both unfair! You're disgusting!"
He looked at me with anger. Nagtaas baba rin ang kanyang malaking dibdib dahil sa naghahabol ito ng hininga. Gusto kong lumapit pa lalo sa kanya pero pinipigilan ako ng mga paa ko, dahil ayaw kong ipagtulakan niya ako. Pakiramdam ko, masasaktan pa ako ng todo.
"Kael. J-just. Sorry" sabi ko na namamaos pa ang mga boses. "Just look at the good side of it. I will explain everything. Trust me, p-please," pagmamakaawa ko, umaasang mabigyan ng kahit na katiting na oras para magpaliwanag.
He smirked.
"I don't believe you, Kristina. I can't believe you either. Good side? May magandang patutunguhan ba? Alin?!"
I feel him. Galit na naman siya sa akin. That was normal, kahit ako ang nasa posisyon niya ay magagalit din ako. It's just that, paano ko to maaayos agad? I'm leaving after a week. At hindi ko kayang itago sa sarili ko na aalis ako na hindi kami nagkakaayos. Dahil hindi ko alam kung meron pa bang pag-asa o break up na kung nasa malayo na ako at hindi pa kami nagkakaayos.
"I hide a secret from you para 'di ka masaktan K-kael" rason ko. Sh*t what a childish reason!
Napaduko na naman ako ng gumalaw ang adams apple niya.
"Nagtago ka ng sekreto?! Sa tingin mo magiging masaya ako?! Hindi ako masasaktan?! Nakakapang-gago naman!" I received that from Kael. "Mas pinalala mo pa lalo eh!"
I don't believe him saying that to me. Pero deserve ko naman eh. Kung sana napaaga ang sabi ko ay sana may pag-asa pa rin na matatanggap niya ako. Pero hindi eh, sa iba pa niya nalaman.
"I-i. I" napapikit ako nang walang lumabas na salita mula sa bibig ko.
"See? Hindi ka makapag-explain?" aniya niya at dumistansya ng malayo sa akin. "Aaminin kong mahirap lang ako, Kristina. Pero gaya mo may damdamin din ako!, Nasasaktan ako dahil pinatunayan mo lang na wala tayong mararating sa ganitong relasyon, sa ganitong pagsasama natin!"
Napatakip ako ng bibig at pinigilang umiyak. This isn't real, sa tono palang nang boses niya ay parang tatapusin niya na kaming dalawa, itong relasyong ito, itong nararamdaman ko. Lahat lahat.
"They're right" umiling siya. "Langit ka at lupa ako."