Chapter 2 : The Start of Deception

1918 Words
“Yung akala mo sa simula ikaw lang ang mahal pero kalaunan panakip butas kalang pala! Yung iba ang sinasabi niya, sa pinaparamdam niya.” Third Person POV Gustong i-surprise ni Reighna si Rafael dahil birthday nito. Kaya gumawa siya ng cake at dinala sa office. First time niyang makapunta sa office nito, kaya nagpaganda siya. “RAFAEL?” gulat na tawag ni Reighna sa pangalan ni Raf habang hinahalikan nito ang kanyang girl bestfriend. “Oh! Reighna! Mabuti naman at nandito ka! How are you?” plastic na tanong ni Aya pero hindi ito pinansin ni Reighna. Instead, tinitigan niya ng malalim si Rafael, gusto niyang mag-explain ito pero parang wala lang kay Raf ang nangyari. “Raf? Bakit mo hinahalikan sa labi si Aya? Meron ba kayong relasyon?” galit na tanong ni Reighn sa kanya. “Kailangan pa bang itanong yan? Siyempre bestfriend ko siya! Ganyan kami mag-show ng love! Palibhasa, wala kang boy bestfriend! Kaya hindi ka makarelate! At pwede ba? Umalis ka na! Masisira lang ang araw ko sayo!” galit nitong sagot kay Reighna. “Best, h’wag ka naming ganyan kay Reighna! Ganyan Talaga ang mga Virgin! Hahaha” tumatawang sabi ni Aya. “Shut up! Aya! Bestfriend ka lang, at ako ang girlfriend!” sabay sampal. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Reighna. “Aray! Best, ang sakit!” umiiyak ito sabay yakap kay Rafael. Pero alam kong nag-drama-dramahan lang ito. “Baliw ka ba Reighn?” galit na sabi ni Rafael sabay sampal kay Reighn. First time niyang masampal ni Raf dahil lang sa kanyang girl bestfriend. Kaya umiyak siya di dahil nasasaktan siya sa sampal kundi sa sakit ng puso. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Raf sa kanya. “ Sinampal mo ako, Raf? Really?” umiiyak na tanong ni Reighn sabay pahid sa kanyang luha. “Deserve mo yan! Dahil nanggugulo ka dito sa office ko! Sa birthday ko pa talaga! Galing mo no?” galit nitong sabi. “Sinong di magagalit sa ginawa niyo? Ipaliwanag mo sa akin!” galit na tanong ni Reighn. “Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, na friend lang kami ni Aya! Ang hirap sayo dirty minded ka!” pagsisinungaling nito. “Hindi ako mag-iisip ng masama kung hindi niyo pinapakita sa akin ang kalandian niyo!” aniya. “Ganon ka ba ka paranoid? Pwede ba umuwi ka na?” nagtitimpi nitong sabi. “Okay! Uuwi na ako, sorry na! Here’s your cake!” sabay bigay sa cake. Ganyan kamahal ni Reighn si Raf, handa siyang magparaya. “Thank you! Umalis ka na! Nasisira lang ang araw ko.” sagot nito sabay kuha sa cake na dala ni Reighn. “Okay! Happy Birthday.” bati ni Reighn sabay alis. Nang makalabas na si Reighna sa office nito, nagtawanan ang dalawa. Ngunit nakalimutan ni Reighna sabihin kay Rafael na pupunta pala sila mamayang gabi sa bahay ng Mom nito. Papasok na sana siya sa office ngunit nakita niyang dinampot ni Rafael ang CAKE na dala niya at tinapon ito sa basurahan. Hindi makakilos si Reighn sa sakit ng loob, biglang tumulo ang luha niya. Pinaghirapan niya ‘yong cake na 'yon pero itatapon lang ni Raf ng ganun-ganun lang? Dinner Time Kahit tinapon ni Raf ang cake, handa pa rin niya itong patawarin dahil mahal niya ito. Nakabihis na siya at hinihintay nalang niya si Raf para pumunta sila sa Mom nito. Pero 8’oclock nalang hindi pa rin ito dumadating kaya tinawagan niya. “Sagutin mo Raf!” bulong niya pero hindi pa rin sumasagot si Raf. Kaya nagtext nalang siya. “Saan ka na? Pupunta pa tayo sa Mom mo!” paalala ni Reighn sa kanya. Hanggang sa 10:30pm nalang, hindi pa rin ito nagparamdam kaya hinanap ni Reighn ang account ni Aya sa social media. At nakita niya ito sa “Insta” kaya ini-stalk niya… At hindi siya makapaniwala sa nakita, nagpost ito kasama si Rafael at family nito na may caption: “Happy Birthday, best! Thanks for making me special and bringing me to your home. I’m so happy your parents love me!” Nanginginig sa galit si Reighn, sumisigaw siya sa galit… “Raf….. I hate you! Bakit mo ito nagawa sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sayo?” humahagulgol sa iyak si Reighn habang nakayakap sa unan hanggang sa nakatulog siya. Kinabukasan Nagising si Reighn sa malakas na ring sa kanyang cellphone. “Hello?” sagot niya na may paos na boses. “Open the door! Kanina pa ako nandito sa labas. Bakit wala dito ang susi?” galit na tanong ni Raf. Sa ilalim ng paso ng sili lang kasi nilalagay ni Reighn ang susi para kapag dadalaw si Raf, diretso pasok nalang ito. “Bakit ka nandito? Doon ka na kumain sa bestfriend mo! Matutulog pa ako!” sagot niya sabay off sa call. Pero tumawag pa rin ito ng 3 times ngunit di niya sinagot hanggang sa umalis nalang ito. Ang dahilan kaya hindi niya ito pinapasok sa apartment niya dahil ayaw niyang makita ang hitsura niyang galing pa sa iyak. Reighna POV “Bakit ang sakit pa rin hanggang ngayon? Akala ko ba, pag-gising ko, okay na ang lahat pero di pa pala.” bulong ko sabay pahid sa aking luha. Dahil bigo ako today, naisipan kong i-stalk ang aking boy bestfriend. Ang tagal na nang di ko siya nakikita. Pag-open ko sa aking “Insta” nakita ko na naman ang picture nilang dalawa ni Princess na masayang kumakain na may caption: “I love you, my princess!” Kaya nag-my day ako ng… “Bakit ang malas ko today!?” na may picture ng babaeng nakatingin sa malayo with black background. Ilang minuto ang lumipas, merong nagchat sa akin… “Why are you sad? Baka need mo ng kausap, I am 24/7 available!” with heart emoji. Hindi muna ako nagreply sa kanya, inistalk ko muna profile niya. Pero kamay niya lang na nakahawak sa cute na aso ang profile at merong 4k follower’s kaya hindi talaga siya dummy account. So nagreply ako sa kanya para naman malibang ako ng kaunti. “Sad ako dahil hindi ako mahal ng taong mahal ko!” diretso kong sabi sa kanya. “Ako nga, hindi ako mahal ng taong mahal ko for 15 years. Pero hindi ako sad kasi masaya naman siya sa iba kaya masaya na rin ako para sa kanya.” reply nito. “Wow! 15 years talaga? How old are you na pala?” tanong ko. “I’m 24 years old. Ikaw?” tanong nito. At bigla kong naalala si Damien sa edad niya. “I’m 22 years old na po. Since matanda ka nang 2 years sa akin, Kuya nalang tawag ko sayo.” biro kong sabi sa kanya. “ Wow! Okay lang para may baby girl na ako. Since kuya tawag mo sa akin, baby nalang tawag ko sa’yo!” seryosong reply nito. “No! Wait ano ba ang name mo?” tanong ko sa kanya. Ang ewww… naman ng baby! Hahaha “Just call me, Dhale. How about you?” tanong nito. “Just call me, Yhna short for Reighna.” reply ko. “Wow, Reyna nalang para ikaw ang Reyna ng buhay ko! Hahaha” biro nito pero bakit parang si Damien to? “Damien? Ikaw ba ‘to? Hwag kang magbiro ng ganyan!” naiinis kong reply sa kanya. “Damien, who? Boyfriend mo?” reply nito. Kaya naguguluhan tuloy ako kung sino tong kachat ko. “Nope! Boy bestfriend ko!” tipid kong reply. “Pwede ask?” tanong nito. ‘’Sure, ano ang gusto mong itanong?” curious kong tanong sa kanya. “Naranasan mo na bang ma-inlove sa bestfriend mo?” tanong niya na nagpahinto sa akin. “Yes! Pero dahil ayaw kong masira ang friendship namin, hindi ko sinabi sa kanya noong tinanong niya ako. At… meron na rin siyang gf now, at meron na din akong bf. Malapit na rin kaming mag-4 years.” malungkot kong reply dahil bigla kong naisip kung aabot ba kami ng 4 years ni Raf? Biglang tumulo na naman ang luha ko. “Wow, congrats! And advance Happy Anniversary!” bati niya sa akin. “Thank you!” tipid kong sagot. “By the way, bakit ka sad kung meron kang bf?” tanong niya na di ko alam kong i-share ko ba sa kanya ang lovelife ko or hindi. Bago ko lang kasi siya nakilala kaya mabuting secret ko nalang muna. “Hindi naman ako sad, trip ko lang yun! hahaha” pagsisinungaling ko sa kanya. “Okay! Thank you for your time. Chat mo lang ako kapag need mo ng kausap.” saad nito. “Sure! Thank you!” reply ko bago nag-offline. Pagkatapos kong mag-emote, naligo na ako at nag-ayos sa aking sarili. Dahil bibisita ako ngayon sa company namin. Sa R.A Empire Group (R.A Initials for my name). By the way, hindi alam ni Rafael na isa akong “heiress” tinago ko ito sa kanya dahil ayaw kong mahalin niya ako dahil mayaman ako. Pagbaba ko sa aming sasakyan na “Rolls-Royce Phantom” dumiretso ako sa Cr para obserbahan ang mga employee namin. This time, wala akong bodyguard para lang akong normal na employee. Nang may papasok na dalawang babae, dali-dali akong pumasok sa loob ng CR at nakinig sa pinag-usapan nila. “Nakita mo ba si Ma’am Aya kanina? Ang ganda niya di ba? Bagay sila ni Sir Rafael.” kinikilig na sabi ng isang babae. “Balita ko meron yang girlfriend si Sir Rafael pero di niya pinapakita in public kasi pangit raw at mahirap. Di gaya ni Ma’am Aya, sobrang ganda at mayaman pa! Imagine siya ang heiress sa R.A Empire Group!” mayabang na sagot ng isa. “Really? Sinong nagsabi sayo na siya ang heiress sa R.A Empire Group?” tanong ng kasama niya. “Narinig ko lang na nag-uusap sila kanina.” sagot nito. “Tsismosa ka rin no? Tayo na nga!” aya ng isang babae. Paglabas nila, saka ako lumabas. At narinig ko ang boses ni Aya sa labas ng CR. Kaya bumalik na naman ako sa loob para di niya ako makita. “Hello, Ben! Alam kong malakas ka sa mga Alcaraz, gusto kong mag-invest ang R.A Empire Group sa company ni Rafael. At sabihin mo sa kanya na ako ang mysterious heiress ng R.A Empire Group” utos niya kay Ben na isang Finance Manager namin. “Bakit ko naman gagawin yon? Paano kapag malaman ni Rafael na hindi ikaw ang heiress?” nag-alala nitong tanong. “Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Sa akin lang yon maniniwala dahil ako ang first love niya. At kahit anong gagawin ko, ako pa rin ang pipiliin nun!” mayabang niyang sabi. “Sige Ma’am, ako na ang bahala!” sagot nito. “Sige, Bye!” sabay end call. “Kawawang Reighna!" sabi nito sabay alis. Ngayon ko lang nalaman kung bakit biglang nagbago si Rafael nang dumating si Aya dahil first love pala niya ito. Pero hindi ako papayag na kunin niya sa akin si Rafael. “Ipaglalaban ko ang pagmamahalan naming dalawa" bulong ko sa aking sarili. Paglabas ko, nakita kong umalis na sila Aya at Rafael, magkahawak kamay pa ang dalawa! tinawagan ko si Raf ngunit hindi niya ito sinagot. Sa pangalawa kong tawag, kinuha ni Aya ang phone at pinatay ang call ko. “May araw ka rin sa akin Aya!” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD