Chapter 10: The Orphan

1788 Words
CLAUDE’S POV “Hi babe. Mukhang solo flight ka na naman.” may halong pangaasar na saad ni Warren kay Selena. “F*ck off d*ck face!” asik naman nito sa kanya. Mag-isa na naman kasi ito nang maabutan namin sa loob ng isang fastfood chain. Ilang araw na naming napapansing wala si Ryu. Ano kayang nangyari sa isang 'yun? “Nasaan nga pala si Ryu? Pang-apat na araw na n’yang absent ngayon ah.” tanong ni Zeal saka ipinatong ang hawak na tray sa mesang kinauupauan ni Selena. Agad s’yang tinitigan ng masama nito kaya agad n’yang binuhat ulit ang tray. “Hindi ko rin alam.” “Anong klase kang kaibigan, hindi mo man lang alam ang nangyayari sa kaibigan mo.” kunwari’y dismayadong sabi ni Warren. “Gayahin mo kami pati ang oras ng pagtae ng bawat isa sa amin ay alam naming lahat.” tumatawang segunda naman ni Zeal. Tuwang-tuwang nag-aper ang dalawang tanga pero mabilis itong napatigil ng marinig ang pagsinghot ni Selena. Tahimik itong umiiyak habang nakayuko ang ulo. “S-She’s been missing for days! Sa tingin n’yo ba ay hindi ako nag-aalala?” humihikbang saad nito. “Just leave me alone! Wala ako sa mood para makipagtalo sa inyo!” “Sinubukan mo na bang puntahan s’ya sa kanila?” tanong ko. “We’ve been friends for almost 2 years pero ni minsan ay hindi n’ya ako inimbitahan sa kanila. Sinubukan kong tanungin ang address n’ya pero silent treatment lang ang natatanggap ko. Walang kwentang kaibigan nga ako!” mas lalong lumakas ang iyak ni Selena. Ryu’s been a mystery for us. Her strong personality blocks everyone who dares to befriend with her. Para bang may invisible black aura ang laging nakapalibot sa kanya na nagtataboy sa mga taong gustong mapalapit sa kanya. Kahit si Selena na laging n’yang kasama ay hindi pa rin pala natitibag ang pader na nakapalibot sa kanya. “H-Hey! We’re just joking. ‘W-Wag mong masyadong dibdibin ang sinabi namin kanina.” pag-aalo naman sa kanya ni Warren na halatang na konsensya bigla. “Bakit hindi na lang natin hingin ang address ni Ryu kay Ms. Emerald.” suhestyon ni Zeal. “Oh my ghadd! You’re right Zeal.” biglang lumiwanag ang mukha ni Selena dahil sa sinabi ni Zeal. Sa unang pagkakataon ay nagamit n’ya rin ang utak n’ya. “Hoy! Saan ka pupunta? You didn’t even touch your food!” sigaw ni Warren. “Sa inyo na lang yan. Pupuntahan ko lang si Ms. Emerald.” sagot naman ni Selena bago ito patakbong lumabas ng fastfood chain at iwan kami. “Let’s go with her. Curious din ako sa nangyari kay Ryu.” saad ni Warren. “Sabihin mo nag-aalala ka lang talaga kay Selena. Hahaha. It’s damn obvious my friend.” Bago pa man mabatukan ni Warren si Zeal ay sumang-ayon na ako kay Warren. “Let’s go with Selena.” saad ko dahilan para pareho nilang ibaling ang tingin sa akin. *** “You don’t have to go with me at isa pa mukhang napilitan ang isa sa inyo.” pagtukoy ni Selena kay Warren na nakasimangot sa tabi ko. “Don’t worry, nauutot lang yan s’ya pa nga itong nag--- Arayyy!” sigaw ni Zeal nang hampasin s’ya ni Warren ng bag na hawak nito. “Fine. Here’s the address.” saka inabot sa akin ni Selena ang papel kung saan nakasulat ang address ni Ryu. Halos umabot din ng isang oras ang byahe bago marating ang address ng bahay ni Ryu. “Are you sure this is it?” kunot noong tanong ni Selena. “This is not a house but an abandon building.” dagdag pa n’ya. Isang luma at puting building na may tatlong palapag ang kaharap namin ngayon. Basag ang mga bintana at sira-sira ang mga pintura. Napapalibutan din ito ng mga matataas na damu pero mas nangingibabaw ang iba’t ibang uri ng bulaklak na nakatanim sa mga pasong nakalagay sa walkway ng harapang gate. “Jaadeee!” isang batang lalaki ang biglang lumabas sa building habang may hawak na pandilig. Sumunod sa kanya ang isang batang babae. “Kuyaaa!” sigaw ng batang babae habang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ng kuya n’ya. “Baka nasa likod nitong building ang bahay ni Ryu.” pahayag ni Zeal. “Sa tingin mo ay saan dadaan si Ryu kung nasa likod ang bahay n’ya? Kung dadaan s’ya rito sa building ay trespassing na yun.” sagot naman sa kanya ni Selena. “Guys look at this.” tawag ni Warren kaya agad naman kaming naglakad papunta sa kinatatayuan n’ya. “Mary’s Garden Orphanage.” “This is an orphanage?” hindi makapaniwalang usal ni Selena. This doesn’t make sense. Bakit naka-address ang bahay ni Ryu sa isang bahay ampunan? “Kayo po ba ang mga akyat bahay gang?” inosenteng tanong ng batang babae habang nakatingin sa aming apat. Nagpalinga-linga naman sa paligid si Zeal bago ituro ang sarili n’ya. “Kami? Akyat bahay gang? Hahahaha. Joker ka gurl.” “Mukhang ba kaming magnanakaw?” pagtataray ni Selena. “Kuyaaaa! May mga akyat bahay gang!” tili ng bata. Natigil sa ginagawang pagdidilig ang batang lalaki at napalingon sa amin. Masama ang tingin nito sa amin. “Hindi kami akyat bahay gang okay!” kalmadong pahayag ni Warren. “May kilala ba kayong Ryu Feliciano?” “Wala.” mabilis na sagot ng bata saka hinila papasok ang batang babae. “He’s lying.” saad ko. Kilala n’ya si Ryu, nagsisinungaling lang s’ya. “Tara magtanong-tanong tayo rito sa ibang residente.” Pag-aaya ni Selena. Bago pa man kami makalayo ay isang matandang babae ang bigla na lang lumabas sa bahay ampunan. “Mga kaibigan ba kayo ni Ryu?” nakangiting tanong ng matanda saka kami nito pinagbuksan ng gate. “Opo.” mabilis na sagot ni Selena. “Nandito po ba ngayon si Ryu?” “Wala. Tuwing linggo o biyernes ng hapon lang s’ya pumupunta rito para bisitahin ang mga bata. Bakit may problema ba?” “Pang-apat na araw n’ya na po ngayong absent. Alam n’yo po ba kung saan s’ya nakatira?” muling tanong ni Selena pero mabilis na bumagsak ang mga balikat n’ya ng umiling ang matandang babae. “Pasensya na pero hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo.” “Bakit po pala itong bahay ampunan ang nakalagay na address sa profile ni Ryu?” tanong ko. Siguradong may dahilan kung bakit n’ya ginamit iyon. “Isa ring ulilang bata si Ryu pero nalaman kong may isang mayamang pamilya ang umampon sa kanya matapos itong umalis dalawang taon na ang nakakalipas.” sagot ng matanda. “O-Oh my ghadd! B-Bakit hindi ko yun alam?” maluha-luhang sambit ni Selena. “Nagkukwento po ba s’ya sa inyo kung maayos ang pagtrato sa kanya ng pamilyang umampon sa kanya?” “Tahimik na bata si Ryu pero palaban. Minsan lang s’ya makipaglaro at makisalamuha sa mga batang kaidaran n’ya dahil lagi s’yang napagiinitan ng mga ito. Kahit ganun ang batang ‘yun nagawa n’yang buhayin ang sarili n’ya nang umalis s’ya rito. Pero isang araw, bumalik s’ya nang mabalitaang ipapasara na ang bahay ampunan,” malungkot na ngumiti ang matanda sa amin. “Isang biyaya sa amin ang batang ‘yun dahil sa kanya ay may tirahan pa hanggang ngayon ang mga batang nandidito. Ipinagdarasal ko rin ang kaligtasan ni Ryu dahil kita sa mga mata n’ya na hindi s’ya masaya kung nasaan man s’ya ngayon.” *** Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nasa biyahe. Palaisipan sa aming ngayon ang totong pagkatao ni Ryu at kung sino ang pamilyang umampon sa kanya. “Promise me na wala kayong sasabihin kay Ryu tungkol sa pagpunta natin sa bahay ampunan. Let’s just keep it a secret for now.” pakiusap ni Selena bago ibalik sa labas ng bintana ang tingin. “Don’t worry ayaw din naman naming makialam sa buhay ng may buhay. Lahat tayo ay may malaking sekreto sa buhay kagaya na lang ni Warren na may secret relationshit sa bayaw n’ya.” sagot naman ni Zeal suot ang seryoso n’yang mukha. “F*ck you, Zeal!” asik ni Warren. “Alam n’yo ba kung paano ko nakilala si Ryu?” tanong ni Selena habang malayo pa rin ang tingin. “S-She saved me from those filthy guys who t-tired to rape me.” utal na sambit ni Selena. Nakita ko ang matinding gulat sa mukha ni Warren. “Someone tried to rape you!” bakas sa boses n’ya ngayon ang matinding galit. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?!” “This is not about me, Warren so stop acting like your concern. As I was saying, Ryu saved me. Alam n’yo bang anim na lalaki na doble ang laki kesa sa katawan n’ya ang nilaban n’ya para lang mailigtas ako. She beat all of them pero bugbog sarado rin ang katawan n’ya nun. She broke her arms and ribs. Puno rin ng pasa at galos ang mukha n’ya pero nagawa n’ya pa ring tanungin ako kung ayos lang ako leaving me dumbfounded.” “Bakit hindi nakarating sa amin ang balitang ‘yan?” gulat na tanong ni Zeal. “After nang ilang months na paghahanap sa kanya ay nakita ko na lang itong nasa harap ko wearing our uniform. Sobrang sayo ko nang malaman nagtransfer s’ya sa school natin. Personal akong nakapagpasalamat sa kanya. Gusto kong kaibiganin s’ya kaya naman ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kanya kahit pa pinagtabuyan n’ya ako noong una but still I didn’t give up.” umiiyak na pahayag ni Selena. “Alam kong katulad din kayo ng iba na pinaguusapan patalikod ang kaibigan ko at kung ano-ano ang sinasabi. Akala n’yo siguro ay hindi n’ya alam pero nagbibingi-bingihan lang s’ya. Naririnig ni Ryu nang lahat ng yun. Huhuhuh! Kawawa naman ang kaibigan ko.” Ngawa ni Selena saka ibinaon sa bag ang mukha n’ya. “Mga walangdjshdoeiuwfgyegfhfnjduh. Ahhhhh.” hindi na namin naintindihan ang sunod n’yang sinabi. “I like Ryu. Nakakatakot lang s’ya minsan.” pag-amin ni Zeal. “I-I like her too. I think she treasured you also as her friend.” utal na saad ni Warren. Iniangat ni Selena ang tingin n’ya sa akin na para bang nag-aantay ng sasabihin ko. “She always threatened me but I like her.” “Mukha kang napipilitan Claude.” kunot noong pahayag ni Selena. “Ganyan lang yan si Claude pero deep inside sincere yan. Mukha lang hindi.” depensa sa akin ni Zeal. Magpapasalamat na sana ako. I’m curious of Ryu’s whereabouts. Especially her adopted family’s profile information. Sana lang talaga ay trinatrato nila ng maayos si Ryu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD