Chapter 15: Nightmare

1888 Words
"Claude," tawag sa akin nang pamilyar na boses pero hindi ko 'yon pinansin at ipinagpatuloy lang ang masarap na pagtulog ko. I can't help but smile. Matagal na panahon na rin simula nang marinig ko ang boses na 'yon. "Claude," muling tawag nito. Mabilis akong napabalikwas ng tuluyang mag-sink in sa utak ko kung sino ang nagmamayari ng boses na iyon. Si kuya Skyler. Walang duda kay kuya Skyler yun! "Kuya!" tawag ko sa kanya habang hinahanap ito sa loob ng kwarto ko. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko nang makita s'yang nakaupo sa study table ko. "I missed you." namamaos na usal ko. "Hahaha! So nice to hear that. I missed you too bro." sagot n'ya ng nakangiting lumingon sa akin. Kung panaginip man 'to ay sana'y 'wag na akong magising. We have a lot to catch up. Marami akong gustong itanong sa kanya. Marami akong gustong ihingi ng tawad dahil sa mga nagawa kong katarantaduhan noon sa kanya. Naglakad si kuya papunta sa akin saka ginulo ang buhok. "Get your lazy ass up. I need to tell you something. Sumunod ka kaagad sa labas." he said before leaving the room. Nagmadali naman akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang magubat na lugar. Wtf? What is this place? Lumingon ako sa likuran at nakitang napapalibutan na ako ngayon nang matataas na kakahuyan, at mga halaman. "Kuya!" I shouted while scanning the place. Where is he? Nandito lang s'ya kanina. "Aahhhh!" isang malakas na sigaw ng lalaki ang nagbigay kilabot sa akin. Parang tinatambol nang malakas ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang nangyayari. Nasaan ako at anong lugar na 'to? Agad kong sinundan ang kaninang sigaw na narinig ko. Habang papalapit ako nang papalapit ay s'ya rin paglakas pa lalo nang kaba sa dibdib ko. Nang hawiin ko ang makapal at malapad na dahon sa mukha ko ay doon na bumungad sa akin ang totoong nangyayari. I saw my brother bleeding to death. Kaharap n'ya ngayon ang isang lalaking may hawak na mahabang samurai sword na sa palabas ko lang nakikita noon. "Kuya!" sigaw ko nang makita ang pag-angat ng armas ng lalaki. Muling rumagasa sa pisngi ko ang mga luha nang makita ang pagbaon ng katana sa katawan ng kapatid ko bago bumagsak ang katawan n'ya sa banging nasa likuran n'ya. "Nooo!" Mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan n'ya. Nakita kong nakahawak pa ito sa bato kaya naman agad ko s'yang hinila pataas. Nanginginig ang mga kamay ko na may bahid na ng dugo habang hawak ang katawan ng naghihingalo kong kapatid. "T-Torrence," sambit n'ya habang pilit n'yang inaabot ang pisngi ko. "K-Kuya ako 'to. Si Claude." "L-Live for me Torrence." "No no no. Hey! Uuwi pa tayo. Please don't leave me again!" I cried holding him tightly. Ayoko na s'yang bitawan. Baka mawala na naman s'ya sa akin. HUMAHANGOS na napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko nang makita ang sinapit ng kapatid ko. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko na nanginginig bago kapain ang basa kong mga pisngi. "K-Kuya," basag ang boses kong tawag sa kanya. Akala ko ay magandang panaginip na iyon dahil nakita ko na sa wakas ang kapatid kong matagal ko ng hinahanap pero nagkamali ako. It was a nightmare. Bakit kailangan pang sumingit ang huling eksena na 'yon. I was so happy seeing him, he said that he missed me too but in one snap my brother was killed in front of me. Mabilis din s'yang binawi sa akin. *** Pagpasok ko ng silid ay naabutan ko si Zeal na iniipit sa pagitan ng braso n'ya ang leeg ni Kei. Himala at mas nauna pa s'ya sa aking pumasok. "Pumasok talaga ako ng maaga para patayin kang hayop ka! Akala mo ba ay hindi ko makakalimutan ang ginawa mo nung sabadong pagpapasabog ng confetti sa bibig ko! Tumae pa ko ng confetti dahil sayo." nanggigigil na saad ni Zeal. "I-I can't breath! Hay*p ka!" reklamo ni Kei habang hinahampas ang braso ni Zeal. Inalis ko ang tingin sa kanila at naupo sa pwesto ko saka inalalang muli ang kaninang panaginip ko. He called me 'Torrence'. Torrence Del Valle. Isa rin s'ya sa mga missing students 2 years ago. How come na kilala ni kuya ang isang taga-Beaton Academy? Anyway, it's just a dream. Hindi ako pweding mag-base lang dun. Panaginip lang 'yon pero bakit pakiramdam ko ay totoong totoo ang mga nangyari? "Shut up, Warren!" sigaw ni Selena pagbukas ng pinto saka iyon malakas na ibinagsak. Mabuti na lang at nakaatras pa si Warren bago pa man s'ya masampal ng pinto sa mukha. Umagang-umaga ay nagaaway na naman ang dalawang 'to. Noong nakaraang araw lang ay sweet na sweet pa sila sa isa't isa. Lumapit sa akin si Zeal habang nakatingin din kay Selena na magkasalubong na naman ang mga kilay habang nagmamartsa papunta sa pwesto n'ya pero nang ilipat namin ang tingin kay Warren ay doon na humalakhak ng nakakapikon si Zeal. Ang sarap din busalan ng dyaryo ang bibig ng isang 'to. Pagpasok kasi ni Warren ay may nakadikit na salompas sa magkabila n'yang pisngi. Kulang na lang ay magmukha s'ya Egyptian mummy na pinagkaitan pa ng tissue sa noo. "A-Anong nangyari sayo?" tawang- tawang tano ng Zeal na nakaluhod na sa sahig. "Lintik ka Zeal. Sipain kaya kita d'yan!" asik ni Warren saka ibinagsak sa upuan ang bag n'ya at naupo. "Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko. Kahit ako ay curious din sa mukha n'ya. "Sa akin na lang muna yun bro. Baka mapa-twirk pa sa sahig si Zeal kapag sinabi ko. Iyon ang sekretong dadalhin ko hanggang sa ma-deads ako. Makakaganti rin ako sa babaing yun!" Nagngingitngit ang mga ngipin ni Warren habang masama ang tingin sa direksyon na kinaroroonan ni Selena. "Claude, can I talk to you?" tanong ni Jasmine nang matapos ang klase sa 3rd subject namin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya at sinundan s'ya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "This friday na ang upcoming school trip. I just wanna ask if Mr. Sevillano told you something?" "Told me what?" I asked. Hindi ko alam ang pinupunto n'ya. "Na huwag kang sumama sa trip or...wala?" "Wala naman. Why'd you ask?" "N-Nothing." nakangiting sagot n'ya. "Claude, no matter what happen sana ay 'wag mong ilalagay ang batas sa kamay. Kahit anong galit ang maramdaman mo ay tandaan mong hindi 'yon ang gugustuhin n'yang gawin mo." "What do you mean, Jasmine?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Hahaha! Gusto ko lang i-share sayo yung nabasa kong quote sa internet." nakangiting sagot n'ya saka tumingala at pumikit habang linalanghap ang preskong hanging tumatama sa kanyang mukha. I just smile while looking at her. I wish I could be as positive and carefree as her. Dahil may ilang minuto pa kami bago magsimula ang susunod na klase ay nanatili lang muna kami sa rooftop. Hindi ko akalain na marami kaming mapaguusapan. Hearing how cheerful she was ay masasabi kong mas nangingibabaw ang masasayang alaala at karanasan n'ya kesa masasamang nangyari sa buhay nila. But who am I judge, may ilang mga tao rin na magaling magtago ng tunay nilang nararamdaman. "I met a boy," panimula ni Jasmine. "Sa una ay napikon ako sa kanya dahil inagaw n'ya sa akin ang librong gustong gusto ko talagang bilhin nun. Ayoko na talagang makita ang pagmumukha n'ya dahil sa inis ko sa kanya and I know he felt the same way too but who would have thought that fate would do it's magic to bring enemies together," I could tell that she really like the guy she was talking about. Hindi kasi mawala sa labi n'ya ang ngiti habang nagkukwento s'ya. "But fate betrayed us both. Dinala n'ya kami sa isang sitwasyon na imposibling may isa sa aming makakaligtas. I hate him, I hate him for leaving me alone in this f*cked up world." "What happen to him?" tanong ko ng mapansin ang unti-unting paglungkot ng mukha n'ya. I can feel her pain, alam ko ang pakiramdam ng maiwang mag-isa. Mukhang nagkamali na naman ako. Kagaya ko at ni Ryu ay mukhang may nakaraan din s'yang hindi n'ya kayang talikuran. "He died. Killed and betrayed by his own father." Parang may pumigil sa dila ko para muling magsalita dahil sa sinabi ni Jasmine. How could a family betrayed his own family? "I'm sorry." usal ko na lang. "I have a brother. Ayaw na ayaw ko rin sa kanya dahil sa ginawa n'yang pangiiwan sa akin noon but he came back. Araw-araw n'yang pinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa buhay n'ya, na after all this years na magkahiwalay kami ay hindi nagbago ang pagmamahal n'ya sa akin bilang isang kapatid but I wasted all of his effort. One day, I found myself crying, and looking for him. Bigla na lang kasi s'yang nawala ng walang paalam." "Are you still hoping for him to come back?" "Yup." tipid na sagot ko bago lingunin si Jasmine. Tahimik s'yang umiiyak habang nakatitig sa akin. Her eyes is filled with sadness. Parang s'ya ang umiiyak para sa akin. "Don't cry. Baka sabihin nila pinaiyak kita." pagbibiro ko saka kinuha mula sa bulsa ko ang puti kong panyo at ginamit iyon para punasan ang pisngi n'ya. "Claude," usal n'ya. "Bakit?" "I'll make sure that everyone won't experience what I have experience." seryosong saad n'ya bago s'ya muling ngumiti. Bago ko pa man s'ya matanong kung anong ibig n'yang sabihin sa mga sinabi n'ya ay patakbo na s'yang pumunta sa pinto ng rooftop. "Let's go. Magsisimula na ang next class." tawag n'ya. Binigyan n'ya na naman ako ng malaking question mark sa ulo. Anong ibig n'yang iparating sa sinabi n'yang yun? Naglakad ako papalapit kay Jasmine nang mapansin ang ginagawa n'yang paghila sa doorknob ng pinto. "A-Ayaw mabuksan." "Let me try." Tumabi s'ya at hinayaan akong buksan ang pinto pero katulad ng sinabi n'ya ay ayaw nga nitong mapihit pabukas. "May hairpin ka ba o kahit na anong maliit at matulis na bagay na pweding pangsungkit sa doorknob?" tanong ko kay Jasmine pero umiling lang s'ya bilang sagot. Mukha pa namang uulan kaya kailangan na naming makababa rito bago bumagsak ang sama ng panahon. Kinapa ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko pero dismayado akong napamura sa isip ko nang mapagtantong iniwan ko pala iyon sa loob ng bag ko. "Dala mo ba ang cellphone mo?" umiling ulit si Jasmine bilang sagot. Napabuntonghininga na lang ako ng maisip na mukhang magtatagal pa kami rito hangga't walang ibang taong aakyat dito sa taas. "This is all my fault. Sorry talaga Claude." "Don't wo---" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang malakas na kalabog na ang nagpasira ng pinto. Bumungad samin si Ryu at ang matandang janitor na lalaki ng school. Bumigay ang pinakaitaas na hinges ng pinto dahil sa ginawa n'ya. Did she kicked the door? "Nakuu! Maraming salamat sa'yo iha. Heto, sayo na itong kakanin ko." saad ng matandang lalaki saka iniabot ang pulang plastic kay Ryu. "Salamat po." walang emosyong pahayag ni Ryu na tinanggap ang supot ng plastic bago n'ya talikuran ang matanda at tinungo ang pababang hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD