Chapter 2

649 Words
Kyzee's POV Narito na kami ngayon sa Retro Bar and of course ay wala pang tao dahil mga mamayang 9 pa dadami ang tao dito. Kahit naman mukhang taga bundok ako, alam ko pa naman rin kung ano ang bar. Ngunit alam lang, dahil hindi ko naman magbalak na mag ganito, pang mayaman lang ata ito, e The bar looks lit and fancy like feeling ko ang saya makipag tugstugan dito mamaya. Aish! Nandito pala ako para magtrabaho hindi magsaya! Pumasok na kami sa manager's office ni Cyane at kinausap ang manager kung may available pang slot ng trabaho. "Mayroon pa namang isang slot ng trabaho dito Cyane. Waitress, yung maghahatid ng mga order every table. Lalong lalo na sa VVIP natin." sabi nung babaeng siguro nasa mga mid 30s na. Okay na yon sa akin! "Pwede ko ho bang ipasok itong kaibigan ko Ma'am Marian? Nangangailangan po kasi siya ngayon." pakiusap ni Cyane. Tumango ito. "Kailan mo ba gustong magsimula?" tanong nito sa akin. "Ma'am kahit ngayon na po! Kakayanin ko po!" masiglang sabi ko. "O siya, sige sige. Basta siguraduhin mo, Cyane na magaling ito a. Hindi ko pa naman hiningan ng resume." aniya sa aming dalawa. Nginitian niya ako at inutusang magbihis na sa locker para makapagsimula na. "Kyz, may order ang mga VVIP natin. Pakidala nalang ito." sabi sa akin ni Hyacinth. Ang aking isa pang kaibigan. Mas seryoso ito kaysa kay Cyane na may pagkagaga. Liningon ko ang isang table sa may bandang gitna kung saan naroon ang VVIP. Halos lalaki ito na mukhang mga bachelors at may isa ring matandang may tobacco sa bibig. "Zamora, kailan mo ba ako papayagang ligawan yung kapatid mo?" rinig kong sabi nung isang mestizong lalaki na may green hair. Tuluyan na akong lumapit sa table na iyon at inilapag ang kanilang order. Hindi ko kasi nasabi sainyo na isa itong resto bar, ang kalahati ay resto at ang kahati ay ang bar. Retro bar. "Good evening po. This is all what you ordered po. May iba pa po ba kayong gusto?" sabi ko nang matapos ko na ilapag ang mga pagkain. "Ikaw, miss. Hindi ba pwede?" kinindatan ako ng isang morenong lalaki na katabi ng matanda at isang lalaking nagcecellphone na hindi ko makita ang mukha. Ngumiti lang ako ng tipid at tumawa ng pilit. Umiling ang matanda. Ngumiti ako at umalis na. >>>> "Uy Kyz, may order from VVIP. Ikaw ang gusto nilang maging waitress. Eto yung order o, hinanda ko na para sa'yo. Hihi." tukso pa ni Cyane sakin. Nasa may Bar area kasi si Hyacinth ngayon kaya si Cyane ang kasama ko ngayon. Napakamot ako ng batok at kinuha ang pagkain at alak nila. Dumaan muna ako sa mausok na parte ng lugar bago ulit ako makapunta sa VVIP table. Binigay ko na ang kanilang pagkain. "Okay na lahat, Miss. Pinagtripan ka lang ng mga alaga ko. Pasensya na." pagpapasensya ng matanda at tumawa kaya tumingin sa kanya ang katabi nitong nagcecellphone kanina. Humarap ito sa akin. He stared at me coldly. Anong problema nito? Iniwas ko na ang tingin ko at lumakad na paalis sa table na iyon. Bumalik ako sa nanunuksong si Cyane. "Yieee!! Tingin ng tingin sayo si Sir Stavros kanina! Interesado iyon saiyo, Kyz!" panunukso ni Cyane. Sinapok ko nga. "Aray naman!" napailing ako sa kanya. Itong babaeng ito! "Hoy gaga ka! May boyfriend ako at saka kung wala man, hinding hindi ako papatol roon noh! Matanda na iyon!" inis na sagot ko sa kanya. Tumawa ito ng malakas. Walanghiya. Pasalamat siya talaga. Argh. "So? Kasal na ba kayo nung Kal na iyon? Alam mo namang hindi ako agree don sa lalaking iyon eh! Tsaka girl! Hindi iyong matanda ang tinutukoy ko, si Sir Stavros! The one and only owner of this resto bar! Iyong katabi nung matanda! Yung parang papatay kung tumingin! Papatay ng babae! In bed! HAHAHAHAHA!" tangina. Bakit ko ba kaibigan ito? "Gaga ka talaga. Magtrabaho ka na nga lang!" inis na sigaw ko sa kanya kaya nag peace sign ito sa akin at nag table to table na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD