Chapter three

1810 Words
        Kinabukasan napagdesisyunan nilang tatlo na dalin si Baby tiyanak sa clinic para sa monthly check up nito. "Bro, pwede bang ikaw nalang ang sumama kay Baby tiyanak sa loob" ani Yohan kay Nicko. Kaya naman bigla ay tumayo ito at tumalikod sa kanilang dalawa ni Edward.        "No!..I'll just wait outside" Ani Nicko habang naglalakad na ito palayo sa pintuan ng clinic. Bigla ay napakamot nalang ng ulo si Yohan. Habang si Edward naman ay abalang hinehele si Baby tiyanak.        "Baby Kanayit," Kunot noong tawag ng nurse staff. Kaya naman ng marinig nila Edward at Yohan ang pangalan ng kanilang alagang sangol ay agad silang napatayo sa kinauupuan at pagkuwa'y sumunod sila sa nurse.         Hindi nagtagal at pinapwesto na si Edward na noo'y nilalaro ang sangol. "Si-sir, pwede bang pumuwesto na kayo dito ni Baby. Ready na kasi ang vacine na itutusok namin sa kanya." Tawag ng Doktora sa mapangakit na boses at kulang nalang ay mapunit ang mukha sa pagpapacharm sa dalawang binata.        "Bro, pumuwesto ka na raw sa harapan. Para maturukan ka na... E-este ni baby Tiyanak" Pagbibiro ni Yohan kay Edward. Kaya naman kahit masama sa loob ni Edward ay sumunod nalang siya suhestiyon ng kaibigan.         Ngunit ng makita ni Edward ang nakaakmang karayom na itutusok na sa sangol ay bigla siyang napalunok at pagkuwa'y tila pinagpawisan ng malamig at pinahinto muna ang gagawing pagtusok nito. "Si-sir relax lang po, hindi po kayo ang tutusukan ko" Nakangiting biro ng nagpapacute na Doktora.         Bigla ay lumapit si Yohan sa kaibigan at pagkuwa'y tinapik ito sa balikat. "Bro, umayos ka baka kung saan itusok ni Doktora ang karayom" Bulong ni Yohan kay Edward kaya naman bigla ay napaayos ng upo ang kaibigan niya.         "Dok, I'am ready!.. I-i mean si baby" Kaya naman ng marinig ng Doktora ang sinabi ni Edward ay dahan dahan na nitong itinurok ang karayom sa hita ni Baby tiyanak na siyang dahilan at bigla itong pumalahaw ng iyak.          Kaya naman sa taranta ni Edward ay agad siyang napabalikwas ng tayo at pagkuwa'y hinele ang musmos na sangol. Samantala si Yohan naman ay prenteng prente sa pagkakaupo habang natutuwang pagmasdan ang kaibigan.        "Sir, narito na po ang Immunization card ni Baby nakalagay na diyan kung kailan schedule ng next vacine niya" Muli ay nakangiting paliwanag ng Doktora at pagkuwa'y tinanguan nalang ni Edward ang Doktora.        ''Here, it's your turn." Sabay bigay ni Edward sa sangol sa kaibigan. "Wa-wait..aren't you the only one who taking cares for her now?" ani Yohan. "No! my time was up to taking care of her." Sagot ni Edward na noo'y tila pinagpapawisan parin ng malamig.         Kaya naman ng makalabas na sila ng hospital ay walang humpay sa kakatawa si Yohan habang inaasar si Edward. Ng makita sila ni Nicko ay agad nagtataka ito sa ikinilos ni Edward. "What is Edward's problem with you" Paninita ni Nicko kay Yohan.        "Naku brad, mahabang storya mamaya ko nalang ikukwento sa'yo" Tatawa tawang sagot ni Yohan habang hawak hawak ang sangol.         Simula noong araw na iyon, hindi na sumasama pa si Edward sa pagpapabakuna ni Baby kanayit hanggang sa tumuntong na ito ng taon.         ___________________        four years later........      "Yohan iho!, bilisan mo na diyan at naghihintay na si Khanah dito sa baba!"  Naiinis na tawag ng abuela ng binata. "Lola, can I eat this?" Tanong ni Khana sa ginang. "No, hindi na pwede! diba pinag toothbrush ka na ng Daddy Yohan mo?." Singhal ng ginang sa bata.      "Grandma, calm down ang BP mo baka tumaas na naman iyan" Ani Yohan sa abuela. "Sige na, umalis na kayo ng batang iyan at ihatid mo na eskwelahan!" Singhal muli ng ginang. Kaya naman bigla ay tinakpan ni Yohan ang tainga ni Khanah na noo'y nakasibi na.      "Daddy Yohan, galit po ba sa akin si Lola?, Hindi po ba niya ako love?" Malungkot na tanong ng bata habang nasa biyahe sila. "No, Love ka ni lola syempre. Matanda na kasi si Grandma kaya palaging mainit ang ulo niya" Paliwanag niya sa Bata.       Tila naman naunawaan ito ng bata at agad din itong ngumiti at pagkuwa'y masayang tumingin sa labas ng bintana.       Hindi parin makapaniwala si Yohan na napalaki nilang tatlo ang batang si Khanah. Wala rin naman kasi nagawa ang pagpapaimbestiga ng abuela niya sa paghahanap sa ina nito. Kaya naman kaysa ipaampon nila ang noo'y musmos na sangol na ngayon ay apat na taon narin.        Minabuti na lamang nila na sila na muna ang tumayong magulang para sa kawawang bata. Tutal naman at napamahal na rin naman sa kanila ang bata. At isa pa ay may kakayahan naman silang buhayin ito kaya naman wala na silang rason para ipaampon pa ito or dalin kung saan saang ampunan.        Ngunit taliwas naman dito ang abuela ni Yohan. Kaya naman lumaki ang batang walang nakuha ni katiting na pagaalala o pagmamahal sa bata. Ngunit magkagayunman inunawa na lamang iyon ni Yohan pati nila Nicko at Edward.       "Here we are!" Nakangiting wika niya sa bata. "Sige po Daddy Yohan, huwag niyo na po ako ihatid sa loob ng school kaya ko na po" Nakangiting mungkahi ni Khanah. "Okay, Ops! Ops! may nakakalimutan ka" Paninita niya sa bata na noo'y bumaba na ng sasakyan.        Nang maalala nito ang nakalimutan ay dali dali itong bumalik sa loob ng sasakyan at pagkuwa'y hinalikan sa pisnge si Yohan. "Ang sweet talaga ng baby Khanah namin. Sige makinig ka kay teacher huh" Paalala niya sa bata at pagkuwa'y nagpaalam na ito sa kanya.       ___________________       "Hi Sir Edward!" Nakangiting bati ng sekretarya ni Nicko na si Seraphina. "Hi Phina, Long time no see lalo ka atang gumaganda" Papuri ni Edward sa sekretarya na noo'y tila kinikilig. Kaya naman ng makita ni Nicko ang naging reaksyon niya ay bigla siya nitong tinampal sa balikat.       "Hey, what are you doing here this early on?"       "Ah, I need your help Bro. Si Daddy kasi pinagagawa ako ng business proposal para sa'yo" Ani Edward        Agad ay napaismid si Nicko sa kaibigan at pagkuwa'y tinapik muli ito sa balikat. "You know what bro, Problema nga iyan." Pagbibiro ni Nicko. "Don't tell me hindi mo ako tutulungan?" Mariing tanong niya sa kabigan.       "Let's go," Bigla ay tayo ni Nicko sa swivel chair at pagkuwa'y niyaya nito si Edward. "Saan tayo pupunta?" Nakangisi niyang tanong sa kaibigan. "Let's go! we will find Khanah's mother" Ani Nicko       "That sounds exciting" Nakangiting wika ni Edward. At pagkuwa'y sumakay na sila sa elevator ngunit tangkang sasarado na iyon ng bigla ay pinigilan iyon ng babaeng humahangos at gulo gulo ang buhok.        "Mga sir, sandali lang!" Sigaw ng babae at pagkuwa'y pinilit pagkasyahin ang sarili sa makipot na papasarang elevator. Kaya naman agad ikinabigla ni Nicko at mabilis nitong pinindot ang button upang bumukas ang pintuan ng elevator.        "Tha-thank you ng marami mga sir" wika ng babae at pagkuwa'y nginitian sila nito. ''You're welcome Miss" Nakangiting sagot ni Edward. Samantala si Nicko ay tila walang pakielam sa pagpapasalamat nito sa kanya.        "Sir..pe-pwedeng pakipindot sa ground floor" Aligagang pakiusap ng babae na noo'y madaming bitbit. ''Su-sure ako na'' Sagot agad ni Edward at pinindot na nito ang button.         Nang marating na nila ang ground floor ay nagmamadaling lumabas ang babae na hindi alintana ang mga sandamakmak na bitbit nito. Kaya naman tangkang lalabas na sila ng Nicko ng bigla ay natisod si Edward sa kung anong bagay.         Kaya naman ng sipatin nila ito ay tumambad sa kanila ang isang makapal na envelope na may kung anong nilalaman. Kaya dali-dali ay pinulot iyon ni Edward at pagkuwa'y hinabol niya ang babae. Ngunit nagpalinga-linga na siya sa loob ng lobby ngunit tila mabilis ang babaeng nakaalis sa lugar na iyon.       "Where she is?" Tanong ni Nicko. "I don't know bro, paano kaya natin maibibigay itong gamit niya. Mukhang importante ata ang laman nito." Paliwanag ni Edward. ''I had an idea, iwanan nalang natin muna sa receptionist baka kilala nila" Suhestiyon ni Nicko at pagkuwa'y tinungo nila ang reception desk.       "Naku sir, hindi po namin kilala ito." Paliwanag ng staff. ''Okay, le'ts leave it here first'' Suhestiyon ni Nicko. Kaya naman sinangayunan agad iyon ni Edward. "Ahm Miss, we'll come back to that later" Pagkuwa'y tumango naman ang receptionist staff.        Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain sa buffet restaurant na magkaibigan ng biglang nagring ang telepono ni Nicko. Kaya naman dali-dali ay kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon. ''Hello" Tanong ni Nicko sa kabilang linya. ''Ah he-hello po, ako po ang teacher ni Khanah. Medyo masama kasi ang pakiramdam niya today, Kaya naman napatawag  ako" Paliwanag ng guro.       "Okay, we will get her after an hour" Paliwanag ni Nicko sa guro at pagkuwa'y nagpaalam narin ito. "What's the matter bro?" Tanong ni Edward. "Khanah seems to be sick today" Paliwanag ni Nicko. ''Okay puntahan na natin siya." Bigla ay pagyaya ni Edward.        Kaya naman mabilis nilang tinapos ang kinakain at pagkuwa'y tinungo na nila ang parking lot ng sasakyan ni Nicko.        Makalipas ang isang oras na biyahe ay agad narating nila Nicko at Edward ang pinapasukan na school ni Khanah. Kaya naman nagmamadaling lumabas sa sasakyan si Edward at mabilis na tinungo ang loob ng paaralan.        Agad naman silang sinalubong ng guro ni Khanah at pagkuwa'y ipinaliwanag dito ang nangyari sa bata ng araw na iyon. "Khanah, please tell to Dada what is really happen to your tummy?" Tanong ni Edward sa bata. "I Don't know po Dada" Nakangusong sagot ni Khanah.       "Khanah let's go, we will going to clinic to check your tummy okay?" Pagyaya naman ni Nicko sa bata. Bigla ay napatda ang paglalakad ng bata ng marinig ang sinabi ni Nicko. "Ayaw ko po sa clinic Daddy Nicko, tutusukin nanaman nila ang braso ko" Nakangusong sagot ni Khanah.       "Ofcourse not khanah, hindi nila gagawin iyon titignan lang nila ang tummy mo and then paiinumin ka lang nila ng gamot and that's it tapos na" Paliwanag naman ni Edward.       "Totoo po ba iyan Dada?" Muli ay nakasimangot na tanong ni khanah. "Ofcourse! kaya tara na, ibigay mo na sa akin ang bag mo" Panguuto ni Edward. Kaya naman mukhang umepekto iyon at pagkuwa'y nagpabuhat na sa kanya si Khanah.        Maya maya pa ay narating na nila ang clinic ng pedia ni Khanah. "Bro, ikaw nalang ang sumama kay Khana sa loob" Paliwanag ni Edward. "Okay I know" Nakangiting pagsangayon ni Nicko.        Kaya naman naiwan na lang si Edward sa waiting area ng clinic at pagkuwa'y ipinikit muna niya ang kanyang mga mata. Upang kahit paano ay makaidlip.        Agad namang nabulabog iyon ng marinig niya ang pagiyak ng babae sa tabi niya.       "Ma, bakit ngayon pa. Paano na lang ako kung mawawala ka pa" Humahagulgol na pagiyak ng babae habang may kausap sa telepono.        Ngunit ng sipatin iyon ni Edward ay tumambad sa kanya ang tila pamilyar na imahe ng babae.                To be continued......                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD