MIKAEL: PARA akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at nawala ang kalasingan ko. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang sinaad nito hanggang sa mag-sink-in na ang sinabi nitong. . . anak nila ni Adam ang baby na dala ni Allan kanina! "Fvck! Hindi anak ni Allan at Mira ang baby!" bulalas ko na napahiyaw pang napatalon sa tuwa. Naiiling namang nakamata sa akin sina Papa at Annika na nasa kusina. Umakyat ako ng silid ko at mabilis na naligo. Nag-ahit din ako ng balbas ko. Isang maroon polo shirt at black cargo pants ang pinili kong isuot. Halos ubusin ko na nga ang perfume ko na in-spray sa kabuoan ko. Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko na inayos na sinulay ang buhok ko pataas at naglagay ng konting wax. Nang makuntento na ako sa itsura ko, lumabas na ako ng silid. Naabutan ko

