MIRA: PANAY ang kurot ko kay Shiela na ikinahahagikhik nitong pinipigilan ang kamay ko. Nandito kami sa sulok habang masaya namang nagkukwentuhan sina Mikael at Adam sa gilid namin na may hawak na wine glass. "Ano 'yon ha?" mahinang pagalit ko dito na natatawang pinamumulaan ng pisngi. "Wala lang 'yon. Ito naman," sagot nito na hindi makatingin sa akin ng diretso. "Hoy, anong wala lang? Naglalaplapan kayo, kitang-kita namin." "Mira!" impit nitong tili na napasiksik ng mukha sa leeg ko. Natatawa akong nakukurot pa rin ito na halatang nahihiya at kinikilig. "Akala ko ba. . . ayaw mo sa kanya hmm?" aniko na inabot ang wine ko. Napalapat ito ng labing ibang-iba ang kinang sa mga mata na napasulyap pa kina Mikael at Adam na nagkukwentuhan at mukha namang nagkapalagayan na ng loob.

