MIRA: SABAY kaming ikinasal ni Shiela. Ayoko namang hindi makadalo sa kasal nito kaya isinabay na lang namin. Sabay-sabay din kaming bumyahe papuntang Maldives for our honeymoon. Dalawang linggo din kaming magi-stay sa isang luxury beach resort na pinag-book-an sa amin ni Mommy para sa aming apat. Magkayakap kami ni Mikael habang nasa eroplano. Nasa likuran naman namin si Shiela. Kahit nga si baby Apple ay naiwan sa mansion para makapag-solo ang dalawa. Nagbo-bottle naman si baby kaya walang problema kahit iwan ito ni Shiela. Marami silang mag-aalaga kay baby doon. "Umidlip ka muna, misis ko. Mahaba pa ang byahe at alam kong napuyat ka kagabi," malambing bulong nito na hinagkan ako sa ulo. Napatingala akong ngumuso na ikinangiti nitong inabot ang mga labi ko. Kinikilig akong nagsumi

