MIRA: TUMULOY kami sa restaurant ni Tito Noah sa NM's exclusive restaurant na pinahanda nito. Pasado alas-onse na rin ng gabi nang makalabas na kami sa arena. Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko na nakayakap sa braso ni Mikael. Dama kong kabado ito at nahihiya sa pamilya ko kaya hindi ko ito binibitawan kahit napapataas na ng kilay sa akin ang pamilya ko. "Congratulations again, Mira. Ang galing mo doon, bunso." Pagbati ni Kuya Dimitri na ikinangiti ko. "Salamat, Kuya. Kailangan kong galingan. Nandoon kayong lahat eh. Ayoko namang mapahiya ang angkan natin," sagot ko na ikinatawa at iling ng mga ito. "Sweetie, baka naman pwede mo ng bitawan si Mikael? Para namang mawawala ang nobyo mo," natatawang saad ni Mommy Mia sa akin na ikinahagikhik kong mas niyakap pa ang braso ni M

