Yolly's POV: "Zodiac, buksan mo 'yong ilaw." Utos ko sa katabi ko pero walang nasagot. Parang ang lambot yata ni Zodiac? "I said the lighter the light Zodiac!" Sigaw ko sa katabi ko pero hindi pa rin siya kumikibo. Nakapikit pa rin ako dahil tinatamad akong magmulat. Kinapa-kapa ko si Zodiac at ang lambot talaga, puro pandesal siya hindi kaya nakulam na siya? O hindi naman kaya natunaw? Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko sa bear ni Zodiac. Nagulat ako ng wala akong nakapa. Jusko, sino 'tong katabi ko!? "Sino ka!?" Sigaw ko at napabalikwas ng upo. Tumalon ako sa kama at binuksan ang ilaw. Unan pala ang katabi ko, akala ko si Zodiac. Nahihilo akong dumeretso sa banyo para magmumog. Akala ko ba hindi aalis si Zodiac? Nangako siya hindi ba? Bakit ngayong paggising ko wala na si

