Yolly's POV: Kakarating lang namin dito ngayon sa Batangas. Dito na kami dumeretso sa Highking Resort, isa sa pagmamay-ari ng mga Heat. Isa lang ang masasabi ko sa lugar na 'to, parang paraiso. Moderno rin ang style ng kanilang resort at cozy tingnan. Para siyang resthouse ng mga elite, sana all 'di ba? Naghihirap na sila ng lagay na iyan. Maputi at pino ang buhangin, asul na asul ang kulay ng dagat at napakapresko ng hangin. Magandang stress reliever talaga ang pagbabakasyon. "Yoseng ikaw na ba 'yan!? Wahh!" Bigla akong dinamba ni Bebang ng yakap kaya natumba kami sa buhangin. Si Bebang ang kababata ko rito sa probinsya at lagi kong kalaro noon. Namiss ko ang kakulitan ng isang 'to. Hinila naman ni Lacoste si Bebang palayo sa akin at tinulungan akong makatayo. Tinulungan niya ri

