Zodiac's POV: "Zodiac anak ko, totoo ba na magkaka-apo na kami ng daddy mo!?" Sigaw ni mom. Pagkapasok na pagkapasok ko ay si mom ang bumungad sa akin at niyakap ako. How did she knew about that? "Sinong nagsabi sa iyo mom?" I asked mom at tumingin sa dalawa kong kapatid. Nakasilip sa hagdan si Galaxy at Stella. Mabilis pa sa alas kwatro silang umakyat nang makita ako. "Si Stella at si Galaxy, hihihi. Sino ba ang maswerteng babae na iyon ha?" Mom asked at sinundot-sundot ang tagiliran ko. Mom like kids and babies kaya ganito ang reaksyon niya. Lagi niya rin akong ibinubugaw na mag-asawa na. Gusto niya na raw magkaroon ng apo, malalaki na raw kasi kami. "Saka ko na ipapakilala mom. Can I rest muna please?" Sabi ko kay mom at hinalikan ang noo niya. She pouted. "Let Zodiac rest

