Nagbago lahat simula ng gabing iyon.Chase even became sweeter at sobra rin itong maalaga sa akin. Every morning may mga padala itong foods sa kwarto with sweet notes pa... Lagi din ako nitong hinahatid sa pagpasok sa trabaho kahit pa minsan ay tinatanggihan ko dahil alam kong wala rin itong tulog. He works as a freelance sa pagkakaalam ko and most of his clients are overseas.At magkaiba ang oras ng clients niya kaysa dito sa Pinas.Lagi din ako nitong sinusundo sa trabaho at sabay kaming magdi-dinner. He made sure to spend time with me at nasanay na ako sa ka sweetan nito. At pag may aasikasuhin naman ito sa business nya ay di nito nakakalimutang tawagan at e check ako. He also introduced me to his brother at kay Ms.Alice. I was overwhelmed dahil sa mainit nilang pagtanggap sa akin. Minsan naiisip ko na napakaswerte nila Chase at Aris sa mama nito..kahit na maaga silang naulila sa ama ay di sila kinulang sa pagmamahal at alaga dahil pinunan iyon ng kanilang ina... Sobrang bait din ni Ms.Alice. Hindi ito tulad ng mga ina sa mga nababasa kong nobela na mapangmata at matapobre.Tinanggap ako nito ng bukal sa puso at ramdam ko yon sa mga pinapakita ni Ms.Alice sa akin. Masaya ako sa relasyon namin ni Chase at kung susumahin ay wala na akong mahihiling pa.
"Happy birthday my love... " masuyo nitong sabi sa akin sabay abot ng bouquet of flowers na hawak nito.Kakapasok lang namin ng Pablito's restaurant...At tama namang pagkapasok namin ay lumiwanag ang buong paligid.I was again caught up with the place and this beautiful moment.Kahit kailan ay di ako magsasawa sa lugar na ito. I once imagined myself here nung first time kong pumunta rito nung magpropose si Brad kay Chelsea... Maluha luha naman na tinanggap ko ang bouquet na iniabot sa akin ni Chase. Ang gwapo ng nobyo ko sa suot nitong white long sleeved na nakatupi ang manggas hanggang sa siko nito at binagayan nya iyon ng khaki pants.Napakakisig ng dating nito.He is every woman's ideal and dream man.Wala sa hagilap ko na ganito ka gwapo at kabait ang magiging nobyo ko but he is real..and he's right in front of me now. He's not just a dream...I was with him in this very beautiful and dreamy place.Salamat talaga Lord at whole package ang binigay mo sa akin.
"Thank you my love ...Nasorpresa mo naman ako." masayang turan ko dito at saka lumapit sa kanya at bumulong...
"I love you Chase..." napansin kong nagliwanag ang mukha nito pagkasabi ko nun. He the lean towards me and softly whisper in my ear" i love you too my love... habang hindi inialis ang tingin nito sa akin...para tuloy tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. At kakaibang init ang naramdaman ko sa simpleng ginawa nito lalo pa at namumungay ang mga mata nito na nakatitig sa akin.Halos di ko rin mabawi ang tingin habang nakatitig sa napakagwapong mukha nito.
"stop staring at me like that,at baka di ko mapigilan ang sarili ko nasa labas pa naman tayo" nanunudyong sabi nito sa akin sabay hapit sa beywang ko palapit sa kanya, na ikinakilig naman ng puso ko.
Agad naman akong bumawi ng tingin dito dahil parang iba ang ibig sabihin ng sinabi nito. Kagat-labi ko namang sinupil ang sarili sa isipin na iyon.
He lead me to our gazebo at namangha ako sa special na set up nito.Siguro nag request ito sa restaurant ng mga decorations dahil napapaligiran ng mumunting bulaklak ang gazebo na kinalalagyan namin.Napaka romantic. Yong minsang pinangarap ko lang ay nangyari na sa akin at pinaranas iyon ni Chase sa akin ng mga oras na ito. Walang paglagyan ang kasiyahang naramdaman ko ngayon. At iyon ay dahil kay Chase. Para bang lahat lalong gumaganda pag kasama mo ang mahal mo.Lalo ding sumasarap ang lasa ng pagkain kung kasalo mo sa kainan ay lalaking mahal mo. Ay!!! bakit ibang kainan pumasok sa isip ko? pilyong isip na to oh! Ipinilig ko ang ulo sa naisip. Nakow Gella!kababaeng tao eh kung ano-ano pumapasok sa utak mo!