I made myself busy at work.And when I'm in my unit ay di ako nagla-lalabas.Sadya ko talaga syang iniiwasan.Not that I can't forgive him but because I don't want to get close to him.After the incidents between us ay kusa akong umiwas.Enough na iyong minsan nyang misjudgement sa akin.
Tulad ng nakasanayan,I left earlier for work.Nakagawian ko na rin na sa canteen mag-agahan everyday and dine there right before going home para di ko na kailangan pang lumabas para maghapunan.I was on my way sa jeepney stop ng naramdaman ko ang paparating na sasakyan sa likuran ko.Di na ako nag-abala pang lumingon kung kanino yun.Kaya mas binilisan ko pa ang mga hakbang para makaabot sa nakaparada na jeep.I need to hurry at di naman ako nadismaya.I felt relieved ng tuluyan akong nakasakay sa jeep at sakto namang pinatakbo ng driver ito pagkatapos kong makasakay.Nasulyapan ko naman si Chase sa kanyang kotse na mataman itong nakatingin sa akin habang papalayo na ang jeep na sinasakyan ko.
Nagliligpit na ako ng mga gamit and ready na akong umuwi.Almost 5:30 na at ako nalang ang naiwan sa department namin.
Tinapos ko pa kasi ang report para sa presentation bukas.Palabas na ako ng department namin ng makita kong papalapit sa akin si Giro.
"Hi Gella,pauwi ka na?" tanong nito sa akin.
"Oo eh..bakit?"
"aayain muna sana kitang mag dinner bago umuwi"
"Naku wag na Giro.Kumain na ako kanina sa canteen,...pasensya ka na , next time nalang..."
"Kung ganun...pwede bang ihatid nalang kita pauwi?" nahihiyang sabi nito sa akin na napapakamot pa sa batok.
Nag aalangan na rin naman akong tumanggi pa dahil tinanggihan ko na nga ito sa pag invite sa akin ng dinner. Kaya pumayag na rin ako.
Masaya talaga itong kasama.Mapapagaan nito kung sakali mang may dinadala kang lungkot sa puso mo.
Nang makarating kami ng apartment ay agad ako nitong pinagbuksan ng pintuan ng kotse.Nagpasalamat ako dito at tuluyan na rin itong umalis.Hinatid ko ng tingin ang sasakyan nito at akmang papasok na ng apartment ng mabigla ako sa lakas ng tunog sa pabalyang pagsara ng pinto sa gawing terrace ni Chase. Nagulat ako doon at napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkabigla sa lakas nun.
Napailing na tinungo ko ang room at saka agad inihanda ang sarili para matulog. I was curious of what happened back there at Chase's place.Bahagya kong iniawang ang kurtina at saka sumilip sa bandang kwarto nito. No signs of Chase.Bahagya pang nalungkot ang puso ko dahil di ko ito nasilayan. Napabuntung-hininga ako sa inakto ko at naramdaman ko. Kinapa ko ang dibdib at pinakiramdaman ang sarili.Hindi ako dapat magkaganito.
Tuluyan na akong nahiga at pilit ipinikit ang mga mata para makatulog. But my phone suddenly rang. Looking at the number on the screen ay parang biglang nanginig ang mga kamay ko at pang nanlamig bigla ang katawan ko.It was Chase!...Bigla akong nataranta at di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.My mind tells me not to answer it but my heart wants me to do otherwise.Pero napag isip-isip ko na wala naman na kaming dapat pag-usapan. At saka,ayaw ko na syang makausap. I cancelled the call.And returned it to the table.Pero wala yatang magawa ang gago at di pa rin ito huminto at tumawag pa rin ulit.
"Hello,Gel,Please don't put it down ..kahit sandali lang"
"Ano ba talaga ang gusto mo Chase?"
"I want you to talk to me and not avoid me."
"I have all the right to chose who I talk to or not Chase.Just as you gave right to yourself who you judged or not." Diretsahan kong sagot dito. Dinig ko ang mahinang pag buntong-hininga nito sa kabilang linya. Pigil ko rin ang hininga dahil sa reaksyon nya sa binitawan kong salita sa kanya.
"I am sorry Gel...I...
"Goodnight Chase..Bye.." agad putol ko sa kung anumang sasabihin pa nya. I have to end the call,I can't stand the sound of his voice. Although I can sense sincerity when he said sorry...but my pride is all I have this time. I can't let my guard down. I don't want myself to simply give in for Chase. Kaya mas mabuti na ang ganito.