Kabanata 8. Gumising ako ng madaling araw upang maghanda sa aking pag-alis. Kasama ko rin sa aking silid si Sariya upang gawin din niya ang inutos ko sa kanya. Batid niya kung anong dapat gawin kaya alam kong malaya akong makakaalis ngayon ng walang makakapansin sa akin. Naging matagumpay naman ang pinag-usapan naming dalawa ni Emir tungkol sa binigay kong tungkulin sa kanya. Tungkulin niyang bantayan muna ang kilos at galaw ni Butler Liur habang wala pa ako sa Imperial House. Ayaw ko munang kumilos ng padalos-dalos dahil hindi ko pa alam kung saan patutungo ito kapag ako ay nalingat sa aking gagawin. Hahayaan ko muna na si Emir ang kikilos para sa akin upang alamin ang kinikilos at plano ni Butler Liur. Habang ako naman ay susubukang maghanap ng kanilang impormasyon. Hindi maaaring mag

