KABANATA 5

1482 Words
Kabanata 5. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW “I didn't knew that the royal princess was this glamorous and peculiar.” “You're right, I'd expected that she's a timid and fragile princess.” “I like her fierce feature, it is so outstanding. She look like a vixen to me.” “Even the princess is gorgeous, it is really runs to their family.” “She's a royal noble, what do you expect?” Rinig sa buong banquet hall ang bulungan ng mga noblesse ng makita nila ang sinasabing prinsesa ng Rasvan Kingdom. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang kasiyahan at tumigil na din ang mga bulungan ng mga noblesse. Sa kabilang banda, lumapit naman ang Razylve family sa ruler at head ng Zilvaed family. “Greetings, Your Majesty and Head of the Zilvaed family,” Tumango naman ang dalawang magpamilyang Zilvaed at nakipagkamay sa hari ng Rasvan Kingdom. “I heard you completely prevailed the amiss that the inferior outsiders caused in the Ressin Town, Commander Zarektrion. As expected from you, you really know how to handle anything by yourself. You are really a great man,” nagagalak na hayag ni King Rihaar kay Commander Zarektrion Viserion. Tumayo naman ang commander at nakipagkamayan sa hari bilang paggalang sa papapuri nito na ibinigay sa kanya. “The commander is surely trustworthy, Your Majesty!” dagdag pa ng hari kay Gaius Zilvaed, ang emperor ng Imperial Empire. Sumang-ayon naman si Zerab Zilvaed, ang Head ng Zilvaed family. “It was so elegant and gracious of the preparation you'd made to make this far about the banquet, Razylve family.” biglang saad ni Helerys Zilvaed, ang Mistress ng Zilvaed family. Kasama naman nito ang kanyang nag-iisang apo na si Amara Zilvaed — the one and only heiress of the Zilvaed family and will be the next line to the throne of the Imperial Empire. “It's my pleasure to hear your compliments, Mistress Helerys.” masayang usal ni Queen Roanna. Habang abalang nag-uusap ang mga namumuno sa dalawang pamilya. Lumapit naman si Prince Rakir kay Amara at nagpakilala dito. “Greetings, Your Highness. I would like to introduce myself, I'm Rakir Razylve the prince of Rasvan Kingdom. It is my pleasure to have finally met you.” galak at magalang na usal ni Rakir kay Amara. “Likewise,” maiksing sagot naman ni Amara dito na kabaliktaran sa kanyang sinabi. Samantala, napunta naman ang lahat ng atensyon sa loob ng banquet hall sa dalawang pamilya. Hindi sila makapaniwala na makakayang lumapit ng Razylve family sa pamilyang Zilvaed. Batid ng lahat na sobrang bigat ng presensya ng Zilvaed family at parang hinihila ka nito paibaba na kapag lumapit ka sa kanila ay hindi mo na magawang makahinga. Sa isang tabi naman, makikita ang inggit ng Azerron family sa Razylve family. Hindi nila magawang makalapit sa Zilvaed family dahil sa nababahala sila sa bigat ng presensyang binibigay nila sa paligid. “They're just lucky,” bigkas naman ni Jirran Azerron, ang Head ng Azerron family. “Don't worry dad, there is a time for us to notice by the Imperial Family.” lintanya naman ni King Klaudius ng Azelion Kingdom. Abala namang nakatitig si Prince Kleinzon Azerron ng Azelion Kingdom kay Princess Rihanna Razylve ng Rasvan Kingdom. Hindi niya mawari ngunit parang nabihag siya sa angking kagandahan ng prinsesa. Unang kita pa lamang niya dito ay sobrang dali na nakuha ng dalaga ang kanyang atensyon. Kahit batid niyang maraming kalakihan din ang gustong makuha ang pansin ng prinsesa. Isang bagay din na gusto niyang gawin. “Kleinzon, there's a lot of beautiful girls around here. Why won't you find one?” suggestion ni King Klaudius sa kanyang anak. “I don't have a plans yet,” sagot naman niya sa ama. Alam niya ang rivalry na namamagitan sa kanyang pamilya at sa Razylve family. Magiging hadlang lamang ito para sa kanya at sa kinabukasan para sa kanila ni Princess Rihanna balang araw. “You are already 20, you are old enough to marry. Why won't you try the young heiress Amara, son?” ulit na saad ng kanyang amang hari. “I am only 20. It's still early for me to marry,” saad naman ni Prince Kleinzon. “There's a lot of things that I want to learn more, marriage is still not in my mind. Look at the great commander of the Imperial Empire. He is already 25 but still not married,” dagdag pa nito sa ama. Napatango naman si King Klaudius ng marinig niya 'yon. Nawala ang pag-aalala niya para sa kaniyang panganay na anak. “By the way, I heard they invited the Verasian family?” tanong naman ni Prince Kleinzon. “They invited them but it is just for formality. They already know that the Verasian family are not fond of associating with the other families,” sagot naman ni Jirran sa kanyang apo. Hindi naman pinalampas ng mga maliliit na wealthy families ang opportunity na lapitan at magpapansin sa tatlong major families. Ang ilan ay gustong lapitan ang Zilvaed family ngunit hindi nila magawa dahil sa bigat ng kanilang presensya. Hindi katulad ng Razylve Family at Azerron Family na madali nilang malapitan. Isang magandang opportunity para sa kagaya nilang mababa ang antas na magkaroon ng magandang koneksyon galing sa dalawang pamilya. Patuloy lamang ang banquet party at wala namang napapansing invasion sa loob at labas ng Razylve Palace. Sinisiguro ng Razylve family na sobrang higpit ng kanilang pagbabantay laban sa mga outsiders na maaaring magdulot ng gulo sa buong banquet hall. Sa kalagitnaan ng masayang pagdiriwang ay napansin ng Head ng Zilvaed family na lihim na umalis ang kanyang apo patungo sa labas ng Razylve Palace kaya agad naman niyang pinasundan ito sa tulong ng commander. Napansin din naman iyon ng commander kaya walang atubiling sinundan niya ito, hindi dahil sa utos ng iba kundi sa sarili niyang kagustuhan. Sa kabilang banda, lingid sa kaalaman ng lahat na may nagmamatyag sa kanila sa labas na hindi madaling makikita ng mga tagabantay ng Razylve Palace. “Sigurado ka bang nandito ang Zilvaed family?” “Nasisiguro akong nasa loob ang buong Zilvaed family,” “Ano pang hinihintay natin?! Sumugod na tayo!” “Hangal ka ba?! Maghintay muna tayo ng tamang pagkakataon,” Napansin naman nila ang paglabas ng isang babae kaya agad silang nagmatyag dito. Sunod namang lumabas ang magiting na commander habang sinusundan nito ang babaeng unang lumabas. Agad namang namukhaan ng tagalabas ang kilalang commander na kinatatakutan ng mga outsiders. “Anong gagawin natin?! Walang sinabi sila sa atin na dumalo din ang commander!” “Kilala ko din ang babaeng lumabas, hindi pwede akong magkamali.” “Namumukhaan ko din siya,” Lingid din sa kaalaman ng dalawang outsiders na kanina pa sila napapansin at naramdaman ng dalaga at ng commander. Pumunta ang dalawa sa likod ng isang malaking puno na malayo sa Razylve Palace. Doon nanlaban ang dalawang outsiders nang mahuli sila ng commander. Alam ng commander kung saan mahahanap ang mga nagtatagong outsiders. Iyon ang pagkakamali ng dalawang outsiders dahil minamaliit nila ang mapanganib na commander ng Imperial Empire. “If you continue to resist, I will really erase your lowlife existence.” malamig na saad ng commander. “Tell us, who ordered you?” malamig namang tanong ni Amara sa dalawang outsiders. Patuloy namang nanlaban ang dalawa sa pagkakawak ng kapangyarihan ng commander. Kayang gawin ng commander na mapawalang bisa ang pagkontrol ng katawan ng isang opponent sa pamamagitan lamang ng isang tingin. Ngayon lamang iyon nasaksihan ni Amara ang angking kapangyarihan na mayroon sa magiting na commander. Tunay na sobrang mapanganib ang kilalang commander sa buong Zilton Country. “Hindi namin sasabihin sa inyo,” sagot naman ng isang outsider. “You'd really think you can oppose me,” malamig na saad ni Amara dito. Bigla namang namilipit sa sakit ang dalawang outsiders ng maramdaman nila ang pananakit ng kanilang dibdib. Ginamit lang naman ni Amara ang kanyang abilidad dito sa dalawang outsiders. “Try to resist again and there will be no mercy next time,” walang emosyong usal ni Amara. Hindi naman sumagot ang dalawa sa banta ng dalaga. Kahit anong pagtutulak man nila sa dalawang outsiders para magsalita ay hindi parin nila magawang paaminin ang dalawa. Tinali na lamang nila ng mahigpit ang dalawa at isinama patungo sa Razylve Palace. “Strengthen your security more,” lintanya ni Amara sa mga bantay ng Razylve Palace. Pumasok naman pabalik si Amara sa loob ng banquet hall para doon na lamang niya sasabihin sa kanyang pamilya ang tungkol sa nangyari. Habang bumalik naman ang commander kasama ang dalawang outsiders sa Imperial Empire para doon ikulong sa Imperial Dungeon. Wala silang nakuhang sagot mula sa mga ito kaya minabuti na lamang na ikulong silang dalawa at nasa pagpapasiya niya kung anong parusa ang ilalataw niya sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD