KABANATA 3

1588 Words
Kabanata 3. Zarektrion Viserion. He is infamous for being ruthless and merciless commander in the battlefield. The only man who can seriously demolished thousands of battalion. The most dangerous man alive. Actually, I don't really know him that much. Wala akong gaanong alam tungkol sa kanya. All I know is that he already owned a territory that doesn't belong from the empire. He is already strong and dangerous man that he is not easy to messed with. That man is surely mystery and prodigy. Pinagtataka ko lamang kung anong ginagawa ng isang bantog na kagaya niya dito sa Ressin Town. Hindi siya ang tipong lalaki na mahilig sa mataong lugar. Nilapitan ko na lang ang lalaking ito at hindi nga ako nagkamali. The man that everyone's praises and the notable commander is the same man in here. Abala itong tinitignan ang tinda ng ale bago niya ako napansin. Agad naman niya akong nilapitan at binati tanda ng paggalang nito sa akin. “I didn't know that the commander was here.” walang ekspresyon kong sambit dito. Tinignan niya ako ng mariin. His eyes are filled with indifference, coldness, and imminence. The way he look at me is more like he's reading my mind and soul. Hindi ko maipaliwanag ngunit may something sa paraan ng pagtitig niya sa akin. He is unveiling me to the deepest like he's digging me up. This man is a rotten asshole. Lumipat naman ang paningin ko sa buong katawan niya. Unang bumungad sa akin ay ang malawak na balikat ng isang lalaki at ang matipuno nitong katawan. Kahit nakasuot ito ng makapal na leather at cape ay hindi maikakaila na mababakas parin sa kanya ang pagiging makisig na lalaki. This man in front of me is like a statue sculpted by the God himself. Agad akong umiwas ng tingin nang mapansin kong tumagal ang pagtitig ko sa kanya. “Whatever,” malamig kong sabi dito. Tumalikod na agad ako at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. Kahit kilala siya ng lahat bilang pinakamagaling na commander sa buong Imperial Empire. Hindi parin maikakaila na isa siyang malupit at mapanganib na lalaki. Yung presensya niya lamang ay nakakabigay na ng sindak sayo. He is ruthless and heartless man when he's in the battleground. Minsan ko ng nakita kung gaano siya kapanganib at kakaiba sa labanan. Wala siyang pinapakitang emosyon kung pumatay at pahirapan ang mga kalaban niya. He's more like a wild beast that is hard to tame. His sharp and calculating eyes that is threatening and menacing. He's a man with a rough and enigmatic personality. Nakuha naman ng pansin ko ang aleng nagtitinda ng jewelries sa tabi kaya nilapitan ko ito. Masasabi kong iba ito sa Jewelry Shops or Bijouterie Store sa Zakar City. Maliit lamang ang tindahan nito kaysa sa mga ibang accessories stores na bagay sa mga mamamayan na hindi gaano kaimpluwensiya sa bayan pero makikita namang magaganda ang mga tinda nito na nakakuha talaga ng pansin ko. Doon sa mesa na gawa sa matibay na lumber ay makikita ang mga nakahilerang jewelries. Nakuha naman ng pansin ko ang purple pendant necklace na gawa sa amethyst. Maganda at radiant ang bato na hindi din gaano katingkad ang kulay nito. Light pleasant lang pero masasabi paring maganda dahil na din sa husay ng pagkagawa. Kinuha ko naman ito. “Magkano ito,?” tanong ko sa ale. “Walong pilak at dalawang tanso ang halaga ng hawak mo, iha. Bibilhin mo ba?” sagot nito sa akin. Tumango naman ako. Pagkatapos kong bilhin yung kuwintas ay umalis din naman ako at nagsimulang maglibot sa paligid. Maraming pamilihan, bahay at mga taong bayan akong nakasalubong sa paglalakad. Pero hindi talaga mawawala ang mga taong mausisa dahil kahit na nakasuot na ako ng cloak ay napapansin parin nila ako. Nakasuklob lang naman ako at suot ang kuwintas ay hindi na nakakapagtaka kung bakit ilan ng mga taong bayan ay tinitignan ako. Hindi ko din naman sila binibigyang pansin. Patuloy lang akong naglakad hanggang sa may napansin akong isang taong nakabalabal na itim kagaya ng sa akin. Pero nasa tindig ng katawan nito na isa itong lalaki dahil na din sa malaki itong tao. Nang magkasalubong kami ay may bigla itong ibinulong sa akin bago ko siya nilingon. Sandali lamang na binulong niya iyon ngunit ramdam ko ang aking sapantaha. Nilingon ko muna ang paligid kung may iba pa ba siyang kasama. Bukod sa nagiisa lamang siya, nasisiguro akong marami pa siyang kasamahan dito batay sa binulong niya sa akin kanina. Pwede kong magamit 'yong binulong niya sa akin para matunton ko sila at karagdagang impormasyon na din para sa akin. Sinundan ko lang siya nang sinundan hanggang sa narating ko ang isang lumang kuwartel. Nakita kong lumiko yung lalaki sa likod nitong gusali. Doon pumasok siya sa loob at susunod na sana ako upang pumasok nang may biglang humawak sa kamay ko. Bumungad sa aking mukha ang walang ekspresyon ng isang lalaki, the most unwanted man and pesky, Zarektrion Viserion. Kita sa mukha nito na seryoso siyang pigilan ako sa aking binabalak. Nilabanan ko naman siya ng tingin at winaksi ang pagkakahawak nito sa akin pero hinigpitan lang lalo nito ang paghawak sa akin. “Let me go,” mariin at malamig kong saad dito. “Why are you here, Your Highness?” malamig naman nitong usal sa akin. “You don't need to know,” walang ekspresyon kong saad sa kanya. Tinignan naman niya ako ng mariin na parang binabasa niya kung ano ang iniisip ko. Sa halip ay nilabanan ko ang kanyang tingin at hindi nagpapadala sa kanyang madilim na presensya. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak naming dalawa bago ko narinig ang tunog ng mga pana. Makikita na sa puno 'yon sa unahan tumama. Agad din naman kaming tumayo at parang walang nangyari. Troublesome. “You should be careful next time, Your Highness.” “There will be no next time,” walang emosyon kong saad dito. Pinagpag ko naman ang likod ko bago ako tuluyan pumasok sa kuwartel. Pero bago 'yon nilingon ko muna ang lalaking ito. “Again, don't ever stop me.” dagdag ko pa dito. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang pahagdan na passageway kung saan pababa ang patutunguhan nito. This place is an underground hideout. Ibig sabihin, dito sila nagtatago at nagsama-sama para sa kanilang plano. They are not stupid as what I thought. Ngunit walang makikitang kahit isang sulo para magbigay liwanag sa paligid sa halip ay bubungad sayo ang madilim na daanan. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa naririnig ko na ang mga ingay ng mga tao doon. Nang makita ko na ang liwanag sa unahan na galing doon sa mga taong nasa loob. Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa makita ko na ang isang pinto kung saan malalaman ko na ang kanilang baho. Sinilip ko ang loob at kita ko na iilan lang ang mga kababaihan dahil karamihan ay mga kalakihan. Ilan sa mga lalaki ay nagiinuman at nagtatawanan. Bihira lamang ang mga babae dahil ang iba ay nagsisilbi at naghahatid ng mga alak. Sa palagay ko, ilan ng mga kababaihan dito ay inaalipin nila. Tinignan ko muna ang loob kung wala bang makakapansin sa akin kapag papasok ako. Nang makitang lahat naman ay abala sa kanilang ginagawa, doon agad akong pumasok. Hinila ko iyong isang babae na sa tingin ko ay isa sa mga alipin nila dito. Dinala ko ito sa isang sulok kung saan walang makakapansin sa amin. Agad ko naman itong pinatulog bago pa man ito makakuha ng pansin sa ibang nandito. Pagkatapos kong gawin iyon, agad akong kumilos dahil balak kong magpanggap ng isang alipin dito. Tinanggalan ko lang naman ng malay yung babae upang sapilitang kunin ang tela nito para pangtakip sa aking mukha. Kinuha ko din ang dala nitong limang alak. Kahit alam kong kaya ko silang patumbahin lahat ay mahihirapan din naman akong makakuha ng detalye galing sa kanila. There's no other way but to play with them. Naglakad lang ako at naghihintay ng customer na mabibigyan ng aking alak. Napansin ko ang isang lalaking sumipol sa akin. Dumilim na lamang ang ekspresyon ko sa kanya kaya gamit ang kapangyarihan ko ay agad itong nawalan ng malay. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid hanggang sa mapansin ko ang apat dun sa sulok, dalawang babae at lalaki. Makikitang abala yung apat sa kanilang ginagawa. Lumapit naman ako sa kanila. “May I interrupt,” Tinignan naman nila ako. Kumuha sila ng tigiisang alak. Nagsalita naman yung isang lalaki na kasama nila. “Ngayon ko lang kita nakita dito, bago ka ba?” tanong nito sa akin. Tumango lamang ako dito bago ko sila tinalikuran. Habang tinitignan ko ang paligid. Narinig ko lang naman ang pagbagsak ng pintuan. Doon pumasok ang mga kawal ng Imperial Empire kasama ang commandernila. Nagkagulo naman lahat ng mga taong sangkot dito. Hinuli nila yung walang laban habang pinapatulog nila 'yung ibang sumasalungat. Nakita ko na lang ang sarili kong nakatingin sa lalaki. Mariin niya akong tinitignan mula dito. Napapansin kong mahilig ang lalaking ito na tumitig sa akin ng malalim. Nasisiguro rin akong may alam siya tungkol dito kung hindi niya ito ginagawa. I didn't wait for him to be the first to let go of our gazes because I was the first who avoid. Nettlesome. I don't want to know why he is always staring at me so intently and firmly. Ayaw kong malaman ang dahilan sa likod ng kanyang mariin na pagtitig. Kailan man ay ayaw kong subukan na malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD