NANLAKI ang mga mata ni Arwin nang makita niyang may dalang bulaklak si Hendrix. Wala namang kasing flower shop sa kanila at kailangan pa pumunta ng bayan upang maghanap ng bulaklak. Hindi niya mapigilan hindi kabahan ng makita niya ang dala nito, natitiyak niyang ibibigay lamang nito kay Dyna ang dala nitong bulaklak at ayaw niyang malamang siya ng kaibigan. Hindi siya pwedeng malamangan ni hendrix. Kilala niya ang kaibiga, kapag ginusto nito ay makukuha nito at hindi niya hahayaan na makapuntos ang kaibigan kay Dyna. Hindi siya kailangan magpakakampante kahit pa asawa niya ang babae. "Ano yan?" tanong niya kay Hendrix. Mabilis na tinago nito ang bulaklak sa likuran pero huli na dahil nakita niya na. "Oo." "Bakit? Hindi naman siya poon para bigyan mo?" nakangiti niyang wika sa kaibiga

