TUMUTULO ang luha ni Arwin habang umaakyat siya ng hagdan, hindi niya kayang nakikitang umiiyak ang babaeng mahal niya at maging si Dino ay alam niyang galit na rin sa kanyang ginawa pero wala siyang choice, nasa labas lamang ang kanyang lola at alam niyang nakikinig ito. Hindi man ito nagpakita kay Dyna ay alam niyang binabantayan nito ang kanyang mga kilos. Nanginginig ang kanyang kamay na pinihit niya ang door knob ng pinto ng kanilang silid. Kukunin niya lamang ang kanyang naiwang gamit at cellphone. Kailangan niyang sabihin ang lahat ng yun kayDyna dahil ang gusto ng kanyang lola ay sa bahay nila tumira ito at hindi niya hahayaan ang mangyari iyon dahil alam niya na ang takbo ng isip ng kanyang abuela. Sigurado siyang pahihirapan nito si Dyna... Ang gusto niya ngayon pa lang ay hiwala

