Chapter 1

1344 Words
CHAPTER 1 "Ewan ko ba pero natatakot ako sa mga ngiti mong iyan Zia," natawa kaagad ako sa sinabi ni Brian. Saturday ngayon at date naming dalawa. He's not my boyfriend, best friend ko siya at ginagawa na talaga namin ito simula bata pa kami. 7 years old palang ako nang makilala ko si Brian sa birthday party ni Blair. I could still remember when I pushed him on the pool, he's crying and I was laughing. Mag-kaaway kami noong umpisa pero nang lumaon ay naging kaibigan ko siya, kaming tatlo nila Blair, sadly, Blair went to Chicago to study there. Kaming dalawa ni Brian ang naiwan pero hindi niya ako pinabayaan. He's like my brother. "I just wanted to smile Brian! Grabe ka naman..." sa totoo lang ay nangingiti talaga ako sa tuwing makikita ko sa isip ko si Chand. I have a little crush on him. "Kilala kita Zia, alam kong may maitim kang balak." "Fine, I'll tell you but don't get mad, alright?" I winked at him, para namang napipilitan itong tumango. "So, may boyfriend kasi si Pane..." "I know," he shrugged, naiinis ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya. "You knew? Why didn't you tell me?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kalat na kalat sa buong school ang tungkol sa kanila Zia, malay ko bang hindi mo pa pala alam, at akala ko ba wala kang pakielam kay Pane?" Namumula ang tainga niya, and I find it cute. "Wala naman talaga akong pakielam sa babaeng iyon, what I care about is her boyfriend." I sipped on my juice. "Don't start Zia, alam ko na 'yang nasa isip mo." He glared at me, pareho talaga sila ng mga mata ni Chand pero mas naa-attract ako sa mata nung isa. "Nobody can't stop me Brian, even you!" I rolled my eyes. Napabuntong-hininga siya at yumuko na para bang sukong-suko dahil sa ginawa kong pag-irap. "Hindi ka pwedeng magalit na lang araw-araw, Zia. Huwag mo ngang i-kadena iyang sarili mo sa galit at paghihiganti." Naiiling sa akin si Brian at parang disappointed sa akin. Napanguso naman kaagad ako at hinawakan ang kamay niya na nasa lamesa, "all I need is your support Brian." I smiled cutely. He stared at me for a couple of seconds, at ngumit ng paunti-unti. "Whatever, huwag kang tatakbo sa akin na umiiyak ah! Sagasaan pa kita kapag nangyari iyon," Natawa kaagad ako sa sinabi niya. Pagkatapos naming kumain ay dinalaw lang namin si mommy at inihatid niya na ako pauwi. I was surprised when I saw unfamiliar cars outside the house. "May mga bisita yata kayo, want me to join you inside? I can ditch our practice," sabi sa akin ni Brian na kaagad kong tinanggihan. "Hindi na Bri, baka alisin ka na ng coach mo niyan dahil puro ditch nalang 'yang nasa utak mo." Binelatan ko siya at kaagad akong nagpaalam. I entered the house with full confidence, kaagad kong ibinagsak ang mamahalin kong bag sa may couch at dumiretso sa kusina. Kaagad bumagsak ang balikat ko nang makita si dad na kasalo si Pane, Wella, Chand at iba pang tao sa hapag-kainan. Mukhang may celebration na naman, hindi parin ako imbitado. Kaagad akong nakita ng isang magandang babae, nagtatakang ngumiti kaagad ito sa akin. "Audenzia? What are you doing there?" Nagtataka ako dahil alam niya ang pangalan ko, dahil sa pagtawag niya sa akin ay kaagad na napunta ang atensyon sa akin ng iba. "Akala ko ba ay nasa ibang bansa itong si Audenzia, Arturo?" Tumingin kaagad siya kay daddy na muntik nang mabulunan. What an excuse! "A-akala ko rin e..." pagpapalusot ng magaling kong ama. Kaagang akong napatingin kay Wella na masama ang tingin sa akin. "Join us dear, lumaki talagang maganda si Audenzia, sorry to say this Arturo and Wella, pero talagang hating-hati ang mukha mo Arturo at ni Aurora." I awkwardly smile, nagagalak ako na inanyayahan ako ng magandang babae at binuksan niya ang topic na tungol kay mommy. Umupo ako sa upuan na pinakadulo ng lamesa, ang lalaki naman na kaunting pamilyar sa akin ay ngumiti sa akin. "I agree," sabi ng lalaki, hindi na lamang nagsalita si daddy at mukha namang nainsulto ni Wella. The lunch went smoothly, tahimik lamang akong nakikinig sa mga usapan nila at pasimpleng sumusulyap ng tingin sa crush ko na si Chand, at nakikipaglaban rin ng tingin kanila dad, Pane at Wella. Kaunti lang ang kinain ko dahil kakatapos rin naming kumain ni Brian. Pagkatapos kumain ng lahat ay nagtungon kami sa living room. We sat down, umupo ako sa kung saan ko iniwan ang handbag ko kanina. "Wala parin talagang pinagbago ang bahay na ito, ganoon na ganoon parin." Sabi ni tita Chantal, nagpakilala sila sa akin kanina habang kumakain, ang asawa ni naman ay si tito Fredo. They're Chand's parents, muntik ko ng sampalin ang sarili ko sa harapan nila dahil hindi ko man lang iyon napansin. Nakakatanga ba talaga ang magkaroon ng crush? Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Wella, "we're actually planning to renovate this house." Kaagad na nandilim ang paningin ko, renovate? Sino siya sa akala niya? "Excuse me? What are you talking about?" Muli ay napunta sa akin lahat ng atensyon, iniiwasankong mapunta ang tingin ko kay Chand dahil baka mawala kaagad ang galit ko, hindi pwede. Pakiramdam ko ay gusto kong sumampal ng madrasta ngayong araw pero kinalma ko ang sarili ko. "Sinong nagsabi sa'yo na pwede mong ipa-renovate itong bahay?" Mataray kong sabi sa madrasta ko, kaagad naman itong nawalan ng kulay sa mukha. "Don't start Zia." Daddy seriously said. "Really dad? Talagang planong-plano niyo na ang lahat simula nang mawala si mommy, ano?" Namumula na ako sa galit. "Walang magpapa-renovate ng bahay ng mommy ko! This is my mom's house!" Mataas na boses na sabi ko, not minding the visitors might think. "Patay na ang mommy mo!" Pane stood up, parang naubusan ng pasyensya. "Kahit na, bahay niya parin ito!" Tumayo rin ako, kaagad na lumapit sa akin si daddy at nagagalit na hinawakan ang braso ko. "Stop acting like a brat, may mga bisita! Kung ganiyan ang ugali mo, umalis ka dito!" He half-shouted, medyo nasaktan ako sa paghawak niya pero hindi ko iyon ininda. Tinaasan ko siya ng kilay, ang respeto ko sa kaniya ay hindi na talaga mahanap dahil sa pagkakabaon ng malalim sa lupa. "Why would I do that? Baka nakakalimutan mo Arturo, bahay ko ito at nakikitira lang kayo!" Halatang nagulat ito sa aking sinabi at ngali-ngali akong sampalin. "Kung sino ang dapat lumayas ay dapat kayo 'yun, kasama ang kabit mo at anak mo sa labas. Sa akin naka-pangalan lahat ng ito, kahit mga sasakyan na gamit niyo ay akin, maski ang mga suot niyo ngayon ay galing sa pera ko." Narinig ko ang pagsinghap ni tita Chantal sa sinabi ko. "You selfish brat, lahat nalang ay gusto mo sa'yo kahit hindi naman!" Sigaw ni Pane, pilit na kinakalma ito ni Chand na matiim ang tingin sa akin pero wala akong pakielam. "Dahil akin naman talaga! Nakikiambon lang kayo sa yaman ko, ambon lang!" Nagulat na lamang ako nang bigla akong sampalin ni daddy. Kaagad na tumagilid ang mukha ko. "Arturo!" Kaagad na lumapit sa akin si Tito Fredo at hinila. Mas lalong sumiklab ang galit ko at hindi nagpatalo sa galit rin na tingin ni daddy. I smirked, "Tama na ang paghihintay ko na ituring mo rin ako na anak. Treat me whatever you want to treat me, pero walang pakielamanan ng desisyon kung paano ko rin kayo ituring, Arturo." I bitched-face him bago ako ngumiti kay Tito Fredo at bumitaw, tatalikod sana ako nang may bigla akong maalala. "Just a little advice Arturo, pagsabihan mo iyang dalawang linta na palaging nakadikit sa iyo. Baka kapag binangga niyo ulit ako e kahit ambon lang ay hindi ko ipalasap sa inyo, kawawa naman kayo kung sakali, hindi ba?" I chuckled like crazy before finally turning my back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD