Ang seryosong hnagin na pimapaligid kay Zeke at Xenon ay mabilis na mawawala. Mapapalitan ito ng napakagaan na pakiramdam habang ang kanilang mga mata ay nakatutok sa dalawang lalaki na nakatayo sa labas ng elevator. Susubukan at pipilitin ni Zeke na pigilan ang ngiting nagbabadya nan gguguhit sa kanyang mga labi. Kakagatin niya ang dalawa niyang labi, tila itatago itong buo sa loob ng kanyang bibig, para lamang hindi lubusan na kumurba ito’t sisilay ang malapad at malaking ngiti na kaunti na lamang ay magiging ngisi na. Sa kabilang banda naman, mapapailing na lamang ng ulo si Xenon habang pinapanuod ang matalik na kaibigan at ang taong hindi nito makasundo. Parang aso’t puso si Ace at Ford na nagbabangayan sa kanilang harapan na animo’y walang ibang tao sa paligid lalo na sa harap. Mas b

