Terror 12

2204 Words

Sabay na papasok si Zeke at Xenon sa food station. Magkasaklob ang kanilang mga kamay. Maninibago si Zeke sa kanyang makikita. Marami ang tao sa loob ng food station. Hindi katulad nang pumunta sila rito ng madaling araw na halos magmukha na itong ghost town. Maliban sa kanilang dalawa ay wala nang ibang tao na kumakain kanina rito. Hindi na rin maipagtataka na marami ang tao ngayon kasi tanghali na nga’t huli nang pumunta sila ni Zeke at Xenon dito. Mapapahinga nang malalim si Zeke. Hindi siya sanay sa ganitong mga pagkakataon. Ayaw na ayaw niya na masyadong marami ang tao sa isang lugar. Pakiramdam niya’y malulunod siya’t kukulangin ng hangin. Sunod-sunod ang magiging paghinga niya nang malalim. Papakalmahin niya ang kanyang sarili. Hindi siya maaaring magpadala sa takot niya. Titingna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD