Titikhim si Council Emilio na ikakahinto ng ibang Council Members at mananahimik. “Sigurado ka ba sa iyong tinuran, Zeke?” Tipid na igagalaw ni Zeke ang kanyang ulo, tatango. “Opo, Council Emilio. Hindi po ako nagsisinungaling. Iyon talaga ang sumakop sa aking sistema kanina kahit panandalian lamang iyon dahilan tinawag agad ako ni Xenon upang pumasok kasama niya ritoi sa Council Hall.” “Maaari ngang tama ang ating hinuha, Emilio,” isasambit ng lalaki na nasa kanan ni Council Emilio. “Hindi pa rin tayo nakasisiguro, Daniel. Isa pa lamang iyon. Kailangan pa natin makasigurado lalo,” itutugon ni Council Emilio. “Sapat na ang sagot niya upang hindi na natin siya tatanungin. Ngunit may isa pang bagay ang dapat niyang gawan. At iyon na ang magsasabi kung tama o nagkakamali lamang tayo.” Ipi

