Mapapahinto si Zeke sa paglapit ng kanyang kamay. Hindi matutuloy ang dapat sana’y paglapat ng kanyang daliri sa larawan. Babalik ang wisyo niya sa kasalukuyan, agad na mawawala sa isip niya ang bumabagabag sa kakayanan niyang mag-isip. Kasabay ng paghinga niya nang malalim, lilingon sa kanyang likuran ay makikita niya rito si Xenon na nakatayo, isang dipa ang layo mula sa kanya. Nasa b****a ito ng nakaawang na pintuan na para bang naghihintay sa kanya, na kanina pa nito tinatawag ang kanyang pansin. “Bakit nandito ka sa labas, mahal ko? Napakabilis mo ata nakausap ang Council sa loob?” nagtatakang itatanong ni Zeke. Ang akala kasi niya ay matatagalan si Xenon sa loob . Ilang minuto pa lamang ang lumipas ngunit nandito na kaagad ang lalaki, tinatawag siya. “Pinapapasok ka ng Council, mah

