Kabanata 32 Sa kabila ng dumadagundong na ingay sa paligid ay hindi ko maalis ang tingin kay Zairo. Iniwas niya ang mata sa akin at ibinaling sa isang direksyon. Direkta ang titig niya kaya’t sinundan ko iyon. Naabutan ko ang kinatatayuan ni Ravi na nasa akin naman ang tingin. Ngumiti siya at kumaway bago nag-jog papunta sa kabilang side ng court. Ibinalik ko ulit ang tingin kay Zairo na nasa akin na ulit ang titig He glanced away and proceed to take pictures again. Hindi ko maalis ang tingin sa kaniyang blangkong mukha. It’s almost the same expression when I first met him but there’s a difference on his aura that magnetized my attention. I didn’t look away when he walked towards my direction, closing our distance while browsing his camera. Hindi siya tuluyang lumapit sa bleachers. N

