Kabanata 3

2655 Words
Kabanata 3 Yumuko ako at pinilit na magbasa ng dalang lectures. Kailangan kong magself-study dahil excused noong nakaraan para sa training ng Math Com. "Manahimik kayo," banta ni Lexi. "Kapag tayo napalabas dito..." Nag-angat ako ng tingin sa mga kaibigan. Kanina pa pabalik-balik ang tingin sa amin ng librarian. Kinukuha rin nila ang atensyon ng nasa ibang table. Matalim silang tiningnan ni Alexia bago itinuloy ang pagbabasa. Kaz shrugged and pursed her lips to hold a laughter. She's the only one who had the guts to mock a Levesque. "Review review pa, 'wag na mag-aral," Jethro laughed. "Napakamotivational naman niyan," sarkastikong ngumisi si Aldrin. Free time namin ngayon, the seniors in particular. May biglaang meeting ang mga teacher sa SHS Department kaya libre kami. We ended up here in library. Masarap din naman tumambay dito lalo't tahimik, maliban sa kanila. "Hey, I got the answers perfect in Physical Education. Here," ani Thalia na kararating lang. "Grabe, iba-iba na tayo ng strand pero nakakapagkopyahan pa rin gago-" humalakhak si Kaz. "Gaga!" I shook my head incredulously. Siniko siya ni Heira nang lumakas ang tawa niya. Nasapo ko ang noo nang mapatingin sa kanila. "Yung grupo sa likod. Lumabas na kayo! Ang ingay!" Agad natutop ang bibig nila nang marinig ang matinis na sigaw. Malinaw at kitang-kita ang iritableng ekspresyon ng librarian. Nilukot ko ang scratch na ginamit kanina bago nagsimulang mag-ayos ng gamit. Thank goodness that I can easily and quickly do Math. Madali na rin namang intindihin ang ibang subject na hindi ko napasukan. "Oh, s**t, kakarating ko lang ha…" Thalia chuckled and rolled her eyes. Napatingin sa gawi namin ang mga estudyante. Pinigilan kong matawa sa sitwasyon. I can hear their curses. "I knew it," Alexia stood lazily. "Nakakahiya naman kayo. Sino ba 'tong mga 'to?" patay malisyang sabi ni Kaz at siniko si Von. "Kapal mo bakla ah?" hinampas siya ni Aldrin. "Ganiyan lang 'yan pero kabado 'yan," natatawang bulong ni Jethro. I'm actually a bit nervous too. Noong unang beses ay kinabahan talaga ko dahil SSG officer. Kalaunan nasanay din dahil sila ang lagi kong kasama. "Aba't naghaharutan pa! Paki-" Napahinto ang librarian nang makitang papunta sa direksyon niya si Alexia. Napatingin kaming magkakaibigan doon. "What's the matter? She will just apologize…" Heira raised her brow. "Magkaka-record tayo dahil dito. She will surely deal not apologize," Von smirked. Salubong ang kilay ko nang nilingon siya. "Wala kaming nare-record na ganito dati?" Kahit na yung make out na nagaganap dito wala rin. We slowly walked, looking at Alexia's back. "Ibang librarian na 'yan, hindi niyo ba napansin? Mas mahigpit 'yan," untag ni Von. "Naks alam na alam? Hindi ka na pala sa court tumatambay ha. Bakit kaya?" asar ni Jethro at humalakhak. Hinayaan namin silang magsapakan. Tss. I surveyed the whole library. I silently cursed, we are catching so much attention. Ang dami na naming nai-istorbong nag-aaral. Sinenyasan ko na silang magpatuloy lumabas. Nakakabingin katahimikan ang namayani nang talikuran ni Alexia ang librarian. Halos lahat din ng estudyante ay nakatingin sa kaniya. "Chill sus. Tara na," bulong ni Kaz. I let out a sigh as we went out silently. "Bye, Ma'am. Next time ulit," kalmadong saad ni Kaz bago tuluyang isinara ang pinto. My eyes widened as I hit her with my notebook. "Tarantado," matalim siyang tiningnan ni Lexi. We burst into laughter. Agad kaming kumaripas ng lakad nang tumunog ang pinto. "Mga gago kayo ha. Estudyante lang," Jethro spat and laughed loudly. "Tara sa cafeteria na lang," aya ni Thalia. Sumang-ayon ang lahat dahil malapit na rin ang breaktime naming mga senior. Kahit habang naglalakad kami papuntang canteen ay hindi pa rin nila maiwasang magkaingay. Napapatingin pa sa amin ang ilang kakilala at nakakasalubong sa daan. I smiled watching my friends in laughter. It’s our last year in senior high and we will walk in different paths for our future. I can’t help to feel emotional ‘cause I’m sure I’ll miss this. I joined their noise to cherish the moment. “May paltos daw sa mukha tangina mo, Kaz!” natatawang untag ni Aldrin. “Sino ‘yon?” Agad kaming napahinto sa tawanan nang marinig ang striktang boses. Mariin akong napapikit dahil nakilala kung kaninong boses iyon. “Sino ‘yong nagmura?” pagtatanong ulit ni Ma’am Ramos. She’s a notable teacher here. Strict at terror lalo sa pagtuturo ng subject niyang Practical Research. Tuwing may research defense ay palagi siyang isa sa striktang panelist kaya’t kilalang-kilala rito sa school. “Estevez?” Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko nang banggitin ang surname ko. Siguradong naaalala pa ako ni Ma’am Ramos dahil naging estudyante rin ako. Isa pa, siya rin ang SSG Adviser namin last year. Sinenyasan ako ni Kaz habang nagpipigil ng tawa. “Pasensya na po sa inconvenience, Ma’am…” tumikhim ako. “You didn’t answer my question. I’ll let this pass. Pakisabihan ang mga kaibigan mo.” Yumuko ako at humingi ulit ng pasensya. Agad namang tumalikod si Ma’am Ramos na parang walang nangyari. Hinarap ko ang mga kaibigan at kalmadong nagkibit-balikat. “Hay! Ang sarap talaga ng may kapit,” humalakhak si Kaz. “Basic, no sweat,” gatong pa ni Jethro. “Kasalanan niyong dalawa ‘yon e!” si Aldrin at dinuro pa ang mga kaibigan. “Bakit? Mura ko ba ‘yong narinig?” “Oo nga, boses ba namin?” gatong pa ni Jethro kay Kaz. “Wow nagkasundo!” asar ni Thalia. Napailing na lang ako at hinayaan silang magkatuwaan hanggang sa makapasok kami ng cafeteria. Kinuha naming ang atensyon ng mga tao sa loob. Bukod sa pamilyar kami sa kanila, malamang ay dahil na rin sa ingay. “Tanya!” Kumaway ako sa kakilalang ka-batch sa Ms. Intramurals last year. Bumati ako pabalik bago tuluyang sumunod sa gawi ng mga kaibigan. “Huwag na mag-aral, tambay na lang tayo!” ani Jethro at pabagsak na umupo. “Oo nga, ang maingay din naman dito,” dagdag ni Kaz. “Kahit naman sa library tambay lang din punta niyo.” “At kahit sa library, hindi rin kami natahimik sa inyo,” pagsegunda ko kay Lexi. They raised their hands on us, surrendering. Ibinaba ko ang mga gamit habang pumwesto na ang iba. Sina Thalia, Jeth at Aldrin ang bumili ng pagkain namin. Unti-unting umingay ang loob ng cafeteria dahil dumarami na ang mga tao. Each person in the crowd moves enthusiastically, pulling their eyes and attention on one thing to another. Their vibrant mood shone in the afternoon light. “Wait lang, Ally, upo muna kayo r’yan…” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Thalia. Hindi niya kasamang bumalik sina Aldrin at Jethro kaya’t nagtataka kong nilingon ang sinesenyasan niya. My brows rose a bit when I saw Zairo. Sa direksyon ko rin siya nakatingin kaya’t nagtagpo ang mga mata namin. He smirked a bit but I didn’t return it. Kasama niya ang tinawag na Ally kanina. Medyo pamilyar iyon sa akin lalo kapag nanonood kami ng laban at practice ni Thalia kasama ang dance troupe. “Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo, Thalia,” kamot-ulong untag ni Ally. “Okay lang ‘no. Sino ba naman ako para mahiya ka?” ani Kaz. Hinampas siya ni Thalia bago nagtawanan. Bahagya lang tumango si Lexi nang tumingin si Thalia. Sumenyas akong maupo sila at ngumiti. My smile faded quickly as I glanced at Zairo. Sa tapat ko siya mismo naupo dahil katabi ko si Thalia ay siguradong kakausapin niya ‘yong Ally. Hindi ko muling idinapo ang mga mata sa kaniya hanggang sa makabalik na sila Jethro. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil nakararamdam ng tingin niya. Tss. Mabilis pa naman sila makahalata lalo na ‘tong Levesque dahil observant siya sa lahat. Nagkibit-balikat ako nang matantong wala namang dapat ipag-alala. We should be casual so why bother to avoid? Tumikhim ako at kalmadong kinuha ang ibinigay ni Aldrin na pagkain. “Tanya…” Alexia called. “Hmm?” Nilingon niya ako bago lumipat ang direksyon ng tingin kay Zairo. “What’s up?” My brows rose, looking at Lexi. “It’s okay, nothing to worry…” My eyes darted quickly at Zairo when he answered instead. “Ay oo nga pala ‘no?” biglang singit ni Kaz. “Baka bigla kayong magsapakan diyan ha?” Humalakhak si Jethro at malisyoso kaming tiningnan. I rolled my eyes because I’m expecting this. “Kamusta? Baka kung ano hinihingi mong bayad sa kaibigan ko, Zairo?” nakataas ang kilay ni Jethro habang nagtatanong. Ngumisi si Zairo bago marahang umiling. Sandali akong napatitig sa mukha niya. There something on his silent but playful aura. He had the imperious nose, dark and taunting eyes, thin lips, and the chiseled jaw that carved down even in poker face. I quickly pulled my gaze away when he tilted his head to my direction. Hold up, Arthana. Tss. “I asked her to be my model because it’s more convenient. Photojournalist ako at model siya.” Alexia slowly nodded as she took a last glance on me. It’s look like she’s checking if I was fine. Nanlolokong ngumisi naman sina Jethro at halatang mang-aasar. “Siguraduhin mo lang na walang iba pa, Zairo,” sarkastikong banta ni Kaz habang nagpipigil ng tawa. “Yeah, I respect Arthana and her boyfriend…” Muntik na akong mabulunan sa kinakain kong cookies nang marinig iyon. Ramdam ko agad ang nanunusok na tingin sa akin ng mga kaibigan. “What? May boyfriend ka na, Tanya?!” Heira glanced at me as if I betrayed her. “Gara ‘no, Heira? Hindi nagsasabi…” gatong ni Kaz at ngumisi. “Ah, wala ‘yon…” Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kanila. I darted my glaring eyes to Zairo. He was sitting calmly without worries, wearing his same and casual expression. His brow rose when he noticed my dagger eyes staring at him. His lips twitched in a sudden, it’s like he’s stopping himself from smirking. Nagsalubong ang kilay ko bago nag-iwas ng tingin. “Bakla ka! Sinong boylet natin?” pangtsi-tsismis ni Aldrin. “Secret.” “Ayaw sabihin… baka teacher ‘yan Tanya ha. Masyado ka pa namang academically inclined,” si Jethro sabay halakhak. Matalim ko siyang tinitigan bago uminom sa tubig. “Kapag matalino pa naman ay bobo sa love. Ingat ka na lang mare,” dagdag pa ni Aldrin. “Shut up!” Nagtawanan sila habang halos malukot ang mukha ko sa iritasyon. I rolled my eyes, avoiding to take a gaze at Zairo’s direction. Bakit kasi kailangan niya pang mabanggit iyon? Tss. It was Alexia. I don’t know why but I feel like I shouldn’t tell him or to my friends so I’ll stay silent. Hahayaan ko na lang silang mag-isip pero siguradong hindi ako patatahimikin ni Heira pagkauwi naming mamaya. “Kapag hindi ko nakilala ‘yan, Tanya, ewan ko na lang…” Thalia smirked before sitting beside me. “True, daming source. Galingan mo maghanap, Thalia, ha…” si Kaz at marahang napailing. “Ako pa ba, so tapos na ba ang tsismis kay Tanya? Mag-uusap pa kami ni Ally about sa theme ng dance contest,” Thalia smiled. “Oo, mag-usap na kayo,” untag ko at sumenyas pa. “Para-paraan si Tanya makalusot lang…” Inirapan ko si Jethro bago nagpatuloy sa pagkain. Alexia remained silent, she didn’t even bother to ask who. Hindi na rin ako magugulat na alam niyang siya ang tinutukoy ni Zairo. It’s like she can read mind, she’s very observant. Sandaling dumapo ulit ang tingin ko sa direksyon ni Zairo. I caught him staring and still, he didn’t look away. The gut of this playboy. “Hiphop and?” Thalia and Ally started talking about contemporary dance. Iba na rin ang topic nila Kaz habang nanatili akong tahimik sa tabi ni Thalia. I didn’t bother to join others because I’ll disturb Thalia’s conversation. And I’m comfortable with silence. And another thing, I couldn’t move because I can still feel his eyes staring deeply. My gaze were fixed at my food or to my notes. The inside of cafeteria became louder and crowded because it’s our breaktime. The students were laughing and talking with their friends. Inabala ko ang sarili sa mga tao sa paligid dahil iniiwasang makatagpo ang tingin ni Zairo ulit. Ilang minuto lang ay unti-unti nang nababawasan ang mga tao sa loob. Diretso uwian na rin kami dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang meeting ng senior high department. Parang nakahinga ako ng maluwag nang nagpaalam na aalis si Ally. Agad na sumunod sa kaniya si Zairo na nag-iwan pa ng huling sulyap bago tuluyang tumalikod. “Kuhain na natin mga gamit sa taas,” aya ni Kaz. I started arranging my notes and stuff. “Ako na kukuha ng gamit mo, Tanya,” si Aldrin sabay sunod kila Kaz. “Okay, thanks!” Bumalik silang lahat sa bukod na building ng Gorostiza per strand. Si Alexia ang naiwan na kasama ko dahil si Kaz na ang kumuha ng gamit niya. Sumenyas siyang lumabas na kami kaya’t sumunod ako. We stayed under the huge tree while waiting for our friends. Nilingon ko si Lexi dahil nagpaalam siya saglit. She went to her sister and its friend, Leuxia and Azea. Ngumiti ako nang lumingon sila sa direksyon ko. Their family has always been linked to me because we almost had the same features. Halatang may dugong banyaga rin, lalo’t ang gintong mata lang nila ang naiiba sa kulay berde kong mata. “Excuse me?” Nilingon ko ang pinagmulan ng malalim na boses. He looked shy with his eyeglasses and clean posture. “Hi…” “Uh hello, ikaw po si Arthana Estevez?” Tumango ako kasabay ng pagbaba ng tingin sa papel na hawak niya. I saw a huge ID too. Dalawa lang naman ang mayroong ganoon, ang mga Campus Journalist or SSG Officer. “Pwede po bang ma-interview para sa feature article?” he slowly said and looked away. “English ang category mo?” Hindi siya pamilyar sa mga nakakasalamuha ko sa Ang Kalasag maliban sa mga kaibigan ko. Agad siyang tumango at nahihiyang ngumiti. “Renzo Lucido ng The Bucklers.” “Okay, go.” “I just need your perspective about pageants. Ikaw ang kilala ng lahat na inclined dito sa school. Also, the Miss Intramurals for consecutive years...” I nodded as he continued explaining. “You can just write your answer here…” he slowly remarked and handed the yellow paper.” I quickly wrote my viewpoint about his situational questions. My answer was short and brief. Kagaya lamang ng mga sagot ko tuwing question and answer portion sa pageant. I gave back the paper when I finished writing my answer. He also asked for some information about me and my experiences. “Thank you so much…” he smiled genuinely as his eyes disappeared. Mukha siyang may lahing Chinese dahil sa mga singkit na mata, kitang-kita iyon kahit na nakasalamin siya. He’s also taller than me and he had a fair skin. Renzo was fixing his paper when I saw a built from someone familiar. My eyes narrowed when I saw Zairo walking slowly towards us. His eyes darted to Renzo shortly before it went back to me. Nag-angat ng tingin sa kaniya si Renzo nang makalapit. Siguradong pamilyar na sila sa isa’t-isa lalo’t parehong mga journalist ng Gorostiza. I avoided their gaze. “Available for tomorrow or weekend?” Zairo asked, gazing at me. Nilingon ko si Renzo ng sumenyas itong aalis na. Ngumiti ako at nagpaalam nang magpasalamat ulit siya. “Just tell me the exact time except kung school hours.” Zairo winked and nodded. My brows furrowed in irritation because I can sense his silent but playful aura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD