Kabanata 53 The lips of the girl in front of us parted dramatically. Halos malaglag ang panga niya habang nakatitig sa akin. She shifted on her stance in disbelief. Napaatras pa siya at hindi namalayan ang janitress na dumaan sa kaniyang likuran. Napanganga ako nang matapon ang laman ng dala nitong timba. Tumalsik sa kaniya ang marumi at tila kulay tsokolate na tubig. “s**t!” she cursed loudly. Napasinghap ako at napabitaw kay Zairo. I immediately took a roll of tissue inside my bag. Tinulungan ko silang dalawa na makatayo sabay inabutan ng tissue. “Ma’am, sorry po! Hindi ko po sadya!” The janitress started panicking, trying to clean the mess. Sinubukan kong pakalmahin din siya saka inabutan ng pamunas dahil mas marami ang tumapon sa kaniya. Hindi naman makapagsalita ang babae da

