Kabanata 6 Heira: Tanya, I went to our house tonight because of a sudden family dinner. Did you bring your key?” Arthana: Oo, dala ko. Take care, enjoy! Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone at sumunod ng lakad kila Kaz. Patuloy silang nagkaka-ingay habang naglalakad kami paalis ng sunflower farm. “Pa-send na lang ng pictures, papi Zairo,” kunwaring nahihiyang sabi ni Aldrin. Tipid na ngumiti at tumango si Zairo “No problem.” “Maraming thanks! By the way kita ko mga picture mo, baks. Pretty mo talaga.” “Tanginang mukha ‘yan, ang ganda,” gatong ni Kaz. Natatawa akong nag-angat ng tingin sa kanila at nagkiit-balikat. Matalim kong tiningnan si Kaz nang manulak pa dahil mukhang kinikilig. “Truth! Magiging straight na ba ako, baks?” dramatic na untag ni Aldrin. “Chos! Maganda ka pero

