Kabanata 49 Halos inabot ako ng hating-gabi katititig sa kawalan dahil hindi makatulog. Hindi ko alam kung excited lang ba ako sa field trip or dahil hindi mawala sa isip ko si Zairo. Well, I’m excited for tomorrow since I’ll be with him... but I couldn’t stop thinking about what happened earlier. Napahawak ako sa labi at naalala ang nangyari kanina. Naramdaman ko muli ang pag-init ng pisngi at ang mabilis na t***k ng puso. Napalunok ako sa sinubukang kalmahin ang sarili. What the heck is happening with me? He’s making me crazy! I licked my lower lip and felt the small cut on it. Bagong sugat na naman iyon gaya noong nangyari sa celebration ng pagkapanalo ko. I pursed my lips to hold my smile. Baliw na ako, matutulog na lang ngumingiti pa... Tss. Hinayaan kong malibang ang sarili s

