Gustong tumaas ng kilay ni Klary ng mapatingin kay Sonia na kasama ng ina ni Damon, naiwan sa kuwarto si Damon na bumalik na sa pagiging baliw-baliwan nito ng makita ang ina. Nag sinungaling pa s'ya na pinalabas na binalak ni Damon na bunutin nito ang kuko nito kaya nag aagawan sila sa sidecutter na hawak n'ya. Mukha naman naniwala ang ina ni Damon na nag-alaala pa sa anak na pinaulanan pa nito ng palo kanina. "Tumawag sa akin si Jona gusto na daw n'yang umalis dahil sinasaktan daw s'ya ni Damon, ikaw ba hindi ka ba n'ya sinasaktan kayo ng mga bata?" nag-aalalang tanong ni Pipay. "Hindi po." gusto sana sabihin ni Klary na may nag uutos kay Jona na landiin si Damon pero hindi umubra kay Damon kaya sinaktan ito ng binata. Nag-iiisip pa s'ya kung sino doctor ang kausap ni Jona pero ng makit

