Suot ni Olivia ang isang itim na hoodie. Patay na ang ilaw at tanging mga dim lights na lamang ang nagbibigay liwanag dahil madaling araw na. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at naglakad papunta sa hallway. Maingat ang mga yabag niya patungo sa study kung saan malimit mag-opisina si Diana. Hindi pa man nakakalapit sa study ay nakarinig siya ng yabag at ilang usapan. "Ikaw talaga, Isa. Hindi mo pa agad dinala sa study iyang bag ni Ma'am. Kung hindi ko pa naalala, bukas panigurado sasabunin ka na naman." Boses iyon ni Manang. Mabilis na pumasok si Olivia sa kanyang kwarto at sinara ito hanggang sa maliit na bahagi para masilip. Nakita niya si manang kasama ang isang medyo batang kasambahay. Nakasuot sila ng pantulog at dala dala ang isang laptop bag. "Pasensya na po. Inutusan kasi

